Balang araw

1 9
Avatar for cheann2020
4 years ago

Balang araw sabi nila matatagpuan mo yung taong kukumpleto sayo,

Balang araw matatagpuan mo yung taong inilaan ng tadhana para sayo,

Balang araw matatagpuan mo yung taong makakasama mo hanggang pagtanda mo,

At balang araw matatagpuan mo yung taong magmamahal sayo ng buong-buo.

Yung taong ikaw ang pipiliin,

Yung taong ikaw lang ang mamahalin,

Yung taong gagawin kang prayoridad,

Yung taong mamahalin ka ng sagad.

Balang araw,

Makikita mo yung taong di mo makakalimutan,

Yung taong di mo gugustuhing bitawan,

Yung taong laging sayo ay magpapangiti,

Yung taong palaging pipiliing manatili,

Yung taong di mo ipagpapalit sa iba,

Yung taong di mo kayang mawala.

Tama nga sila, balang araw mahahanap mo siya.

Balang araw, balang araw.

Yung balang araw na sinasabi nila ay hiniling at napatunayan ko

Noong magkakilala tayo.

Oo, naghintay ako sa balang araw,

humiling at buti na lang di ako bumitaw.

Lahat ng mga balang araw ko ay nangyari,

nung araw na ibingay ko ang puso ko sayo na ikaw lang ang nagmamay-ari.

Ibingay sayo ang aking puso, at hinayaang makapasok ka sa mundo ko.

Buhay ko ay nagmistulang bahaghari,

bawat araw ay napuno ng kulay na sari-sari.

Mga pangarap nating binuo,

mga taon ng pagsasamang nasa ating plano.

At mga dasal na sabay nating hiniling na walang lilisan sa ating piling.

Hinarap lahat ng problema, sabi mo wala tayong di makakaya.

Harangan man ng sibat, di tayo paaawat.

Hadlangan man ng daang-daang kilometro, sabay tayong tatakbo.

Binigay ko ang lahat sayo, dahil alam kong ikaw ang balang araw na di mawawala sa buhay ko.

Salamat sa mga balang araw na pinaniwalaan ko, buti na lang naghintay ako.

Pero bakit may mga balang araw yata akong di narinig,

kaya tibok ng puso'y unti-unting humina ang pintig.

Hinga ng malalim, di ko maintindihan bakit biglang dumilim.

Hinga ng malalim, sa dibdib ko'y parang may nakabaong patalim.

Paanong ang mga balang araw na bumuhay sakin

ay ang sya ngayong unti-unting pumapatay sakin.

Bakit di ko maintindihan? Gusto kong maintindihan.

Di ko naman hiniling na balang araw ay mawala ka sa aking piling.

Pero bakit bigla ka na lang lumisan di ko man yun hiniling.

Di ko ginustong mauwi sa wala ang lahat,

dahil handa kong gawin ang lahat

pero hindi pa rin ba ako sapat?

Sa tuwing hawak mo ang mga kamay ko

ramdam ko namang mahal mo ako,

tuwing magkayakap tayo

dinig na dinig ko na iisa ang pintig ng puso mo sa puso ko,

sa tuwing magkasama tayo

nakikita ko sa mga mata mo na masaya ka,

at sa tuwing hinahalikan mo ko

ramdam ko namang mahal mo ako.

Pero bakit? Bakit mo ko nagawang iwan at ipagpalit.

May katotohanan ba ang lahat?

o isa lamang kwento na parang alamat?

Ngayon di ko na alam kung ano ang totoo at hindi.

Kung alin ang tama sa mali.

Mga balang araw na pinanghahawakan ko ay tila napuno ng duda,

Bakit nagawa mong tapusin ang lahat dahil lang sakanya.

Di ba ikaw at ako ay ang balang araw ng isa’t-isa?

Bakit biglang ikaw at ako ay naging nakaraan na lang ng isa’t-isa.

Minahal mo ba ko noong hawak mo ang mga kamay ko?

O ginusto mo lang hawakan ang mga kamay ko.

Minahal mo ba ko noong yakap mo ang katawan ko?

O ginusto mo lang yakapin ako?

Minahal mo ba ko noong magkasama tayo?

O ginusto mo lang makasama ako?

Minahal mo ba ko noong hinahalikan mo ang mga labi ko?

O ginusto mo lang ba na halikan ako?

Kasi kung minahal mo 'ko, bakit tayo humantong sa ganito?

Akala ko ba hanggang dulo walang iba kundi ikaw at ako,

pero bakit biglang may sumingit?

Bakit mga balang araw ko'y biglang pumangit?Di ko man lang alam na ang mga balang araw ko ay sisirain mo,

at sa iba mo balak tapusin ang lahat ng ito at hindi sa piling ko.

Di ko pa rin kayang magsinungaling na di na kita mahal gaya ng pag-ibig mo.

Pero ayaw na kitang bumalik, gusto ko lang lahat ng nawala sa akin ay Iyong ibalik.

Kaya ang mga

Balang araw ko ay nag-iba na,

Balang araw makukumpleto rin ako,

Balang araw matatagpuan nya rin ako,

Balang araw may makakasama rin ako sa pagtanda ko,

At balang araw mabubuo ulit ako.

Balang araw may taong ako lang ang pipiliin,

yung taong ako lang ang mamahalin,

yung taong gagawin akong prayoridad,

yung taong mamahalin ako ng sagad.

Balang araw makakalimutan din kita,

Balang araw mabibitawan din kita,

Balang araw ako’y muling makakangiti,

Balang araw may isang taong pipiliing manatili,

Balang araw makakahanap din ako ng iba,

Balang araw makakayanan ko ring wala ka.

Tama nga sila, balang araw, balang araw.

3
$ 0.00
Avatar for cheann2020
4 years ago

Comments

Hindi naman siguro lahat balang araw. Pwedeng hindi lang talaga sya para sayo. Marami din akong naranasan na balang araw sa ibat ibang bagay, pero naniniwala ako na may hangganan ang balang araw, Balang araw makakamit mo din ang totoong para sayo.

$ 0.00
4 years ago