Puspin

1 56
Avatar for charol09
2 years ago

Isa sa kasiyahan ng tao ang makakita ng mga bagay na nakakaaliw sa mata o kaya ay isang cute na bagay na makapagpapahinto sa kanya. Gaya ngayong araw, hindi ko mapigilang hindi huminto ng makita ko ang mga cute na kuting na ito na namamahinga sa daan.

Ang tawag sa breed ng pusang itong ay Puspin, short for pusang Pinoy or Pinoy cat. Makikita ang breed ng pusang ito saan mang dako dito sa Pilipinas. Mabilis dumami ang ganitong alaga sa kadahilanang kayang magluwal ng buntis na pusa ng nasa 4 hanggang anim na kuting. Maaari namang magbuntis ang babaeng pusa ng dalawang beses kada taon. Kaya naman hindi nakakapagtaka kung bakit mabilis dumami ang hayop na ito dahil sa abilidad nito sa pagbubuntis.

Apat na bahay lamang ang layo nito mula sa aming tahanan. Ang hangad ko lamang sana sa paglabas ay bumili ng minandal ng mga bata na aming pagsasaluhan. Pero laking tuwa dahil nagamit ko pa sila para makapagsulat ng maiksing talata. Tatlong kuting ang bumihag sa ating umaga. Ang hiling ko lamang ay maantala ang kanilang paglaki dahil mas nakawiwili silang pagmasdan kapag ganito pa ang laki.

Sa aming tahanan ay mayroon din kaming alaga. Cat lover ang aming pamilya kaya hindi nakakapagtakang mapansin ko sila. Dangan nga lamang sila ay malalaki na, nasa edad 3 kaya hindi na cute kung ikukumpara sa kanila.

Pasensya na dahil hindi ko mapigilang magsulat ng akda at magbahagi ng larawan dahil sa tanawing aking nakita. Pampa good vibes sa araw na mainit at oras na nakakainip. Patawad dahil wikang kinalakhan ang aking ginamit. Mas bihasa ako dito kung ikukumpara sa banyagang wika na kadalasang ginagamit. Kung sa inyong pandinig ay parang kakaiba at tila ba kakatwa ang paraan ng aking pagsulat. Huwag mag-alala dahil maging ako ay iyon din ang nadarama.

Ingat ngayong araw kaibigan. Hangad ko na ikaw ay nasiyahan. Hanggang sa susunod na artikulo kung kelan inspirado, ganado at nasa kalagayan.

Blog #12

August 30, 2022

2
$ 0.00
Avatar for charol09
2 years ago

Comments

Ang cute ng mga pusang gala din ibang tawang diyan, Same sis kapag wala akong maisip na isusulat tagalog nalang para madali ang hirap mag English hehe.

$ 0.01
2 years ago