Na budol na naman ako ni Lazada friend. Meet my new baby on the house, Stanley! 99 beses kong pinag-isipan kong pipindutin ko na ba ang mahiwagang " Buy Now". Hindi naman ako pinigilan ni hubby na bumili kaya gora lang. Mula sa kabang-yaman na itinago pa sa kailaliman ng kailaliman ang pinambili, basta malalim. Ayaw sanang magpadukot kaso nakita ko na ang daming balahibo na nagkalat sa bahay gawa ng dalawang alagang pusa namin. Sa higaan ng mga anak ko gagamitin itong vacuum kadalasan kase doon nahihiga ang mga fur baby namin. Malinis naman ang mga pusa namin friend once a month naliligo tapos 19 times per day nilang dinidilaan ang mga sarili nila. Doon na nga napunta ang oras nila sa paghapon, kakalinis sa mga katawan nila. Mas malinis pa sa akin mga bessie, once a day na nga lang ako naliligo tapos minsan hindi pa kakatipid ng sabon at shampoo. (Para-paraan lang para mabuhay) Yun nga, kakaisip ko napagpasyahan ko nang bilhin. 2339 pesos nga pala yan naka sale. Ngayon 2999 na ata dahil natapos na yung discount price. 2.5 gallon si baby Stanley bessie, complete accesories. Saktong laki lang para sa bahay. Cute may gulong,ahehe. Sabi ng nabasa ko noon, "na ang bawat isa ay dapat kumain, uminom, at masiyahan sa lahat ng pinaghirapan niya. Regalo iyan ng Diyos." Ecles. 3:13 Ibig sabihin hindi masamang bumili, kumain, o uminom ng gusto mo para i treat ang sarili mo bunga ng pagtatrabaho pero sempre sa tamang antas lang. Kapag kaya ng bulsa at wala kang masasagasaang bayarin o utang, gora lang. 5:27 pm October 19, 2022 My new baby on the house
25 comments
Worth it Naman yung ibibili mo ng gamit para sa bahay. Talagang kapaki pakinabang naman. Di ka na mamomroblema sa mga balahibo ng pusa. Kesa Naman masinghot ng mga anak mo, eh hayaan mo na lang mahigop ng vaccum. Para Naman sa kalinisan at kalusugan kaya approved din ng hubby mo.
Opo, matagal na rin po itong magagamit. Salamat po
Ganda ng vacuum na nabili mo sis amin naman sa mall nabili kaya ang mahal pero hindi ganyan kalaki.
Balak ko nga sana doon sissy kaso mahal
oo sis sa online naman takot ako umorder lalo pag libo na.Baka kasi masayang pera.
Naisip ko din yan sissy, sa review na lang ako bumabase ito ata pinakamahal kong nabili online
Akin sis mga 1500 pinaka mataas kong order na gamit sa bahay hihi
Useful naman yan kaya okay lang.
Kaya nga sissy, buti natapat na sale. Nakaraan taon nag 1900 lang to nakita ko sa review
Nami sis sulit naman yan sis ang cute naman nya ehh
Oo sissy bagay sa pader namin na dilaw din
Ang ganda parang gusto ko rin bumili.
Bumili ka na sign na 'to
Ay bongga ka dyan sis
Kilig much sissy
ok lng po yn magagamit nmn sa pang araw araw heheh saka balahibo din nga mhrp alisin kc un .
Kaya nga sissy, araw araw meron
gamit n gamit yn sis heheheh
Ang ganda naman. 🥰
Pahiram niyan..
Sige lang ma kaso magtatampo vacuum mo
Ang ganda naman niyan, mahal siguro hehe.
Nasa 2339 sissy sale
Ganda!
Tama yarn para mahigop ang mga balahibo.Dapat sis nakamask kayo dahil nalalanghap nyo yarn