paniniwala

0 30
Avatar for chandie02
3 years ago

sa mundo ngayon marami tayo sinusundan, mga haka hakang mga sabi nang matatanda sa panahon nila,

gaano ba katotoo ang mga ito?

ito ba’y naranasan nila nung panahon nila.

ako? o para sakin. makatotohanan ang mga ito.

bakit? dahil laki ako sa lola ko.

gaano ba katotoo ang kampri?

diko rin alam pero sabi nang lola ko dahil maliblib at sulok ang aming lugar at magubat naniniwala ako dito 8pm palang nang gabi halus tulog na yata ang mga tao sa amin.

gaano ba katotoo ang nuno sa punso?

ako naniniwala ako sa nuno sa punso, di man natin sila nakikita pero sila’y nakikita tayo. masasabi kong makapngyarihan sila dahil kahit mismo ako nagkasakit ako noong sinira ko ang kanilang tahanan, di mawari nang mangagamot kung ano ang dumapo sakin at nagkaganoon ang aking balat, sabi nang mangagamot mag alay daw kami nang manok, at diko maibahagi sa akin sarili na parang himala kinabukasan lang ay wala na ang mga parang pasa sa buo kong katawan.

gaano ba katotoo ang tsanak?

diko alam, sabi nila mga dina binyagan na sanggol nagiging tsanak marami din nagsasabi sa baryo namin na totoo pero wala panaman nakakita. marami akong napapanood sa telebisyon, pero sa dalawa kong mata ay wala pang nasilayan na tsanak kung tawagin.

gaano ba katotoo ang diwata?

maraming nilikha ang diyos, ibat ibang uri nang mga nilalang sa ating mundong ibabaw. ako naniniwala ako na may diwata hindi lamang natin sila nakikita, pero sila ang nag aalaga sa mga kagubatan.

gaano ba katotoo ang tikbalang?

tao kalahati kabayo? hmm. di ako naniniwala sa tikbalang eh, pero sabi nang lola ko marami na nakakita nang tikbalang sa lugar namin nagliligaw daw ito lalu na pag gabi nagbabalat kayo. ang hirap isipan na sa panahon nila ay parang nakakatakot.

gaano ba katotoo ang sirena?

isda kalahating tao, sa panahon ngayon marami nakong nakitang sirena hindi sila maganda. sa mga palabas napakaganda nila, pero ang totoo nilang anyo ay pagkakamali lamang. totoo ba ang mga ito? hindi ko rin alam, sa mga research ko parang edited lamang ang iba. siguro pagnakakita nako ay mas maniniwala ako na may sirena talaga.

4
$ 0.00
Avatar for chandie02
3 years ago

Comments

Lahat naman ay maniniwala kapag nakita na ng ung mga mata, minsan akala mo panakot lang ng mga matatanda pero ung iba totoo pala,, mas mabuti ng maniwala kaysa mapahamak kapa,

$ 0.00
3 years ago