Misteryosong Kabaong na bumalik.

0 19
Avatar for chandie02
4 years ago

Noong 1870, Bumisita si Charles Francis Coghlan na isang batang aktor, sa isang manghuhulang gypsy. Sinabi ng misteryosong manghuhula na sa kalagitnaan ng kanyang kasikatan, sya ay mamamatay sa isang lugar sa timog ng Estados Unidos, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi mapapanatag o mapapayapa hanggang hindi ito naiuwi sa bayan ng kanyang kapanganakan, ang Prince Edward Island.

Ang mga katagang ito ng manghuhula ay ikinabahala ni charles na ito ay ikinuwento nya sa mga taong malalapit sa kanya at katrabaho nang ilang beses. At makalipas nga ang tatlongpung taon, lumago ang pagsikat ni charles at naging kilalang aktor hindi lamang sa estados unidos kundi pati sa europa.

noong octobre 30 1899 dumating si charles sa galveston kasama ang mga katrabaho upang iperform o itanghal ang kanyang gawa na may titulong THE ROYAL BOX, sa kasamaang palad hindi sya nagkaroon ng pagkakataon na makapagtanghal sa entablado. Nagkaroon sya ng sakit na tinatawag na Acute Gatritis.

Nanatili na lamang sya sa kanyang hotel na tinutuluyan kasama ang kanyang asawa na sya namang nagpapasa ng utos at dapat gawin mula kay charles sa mga kasama nila na nagtatanghal.

Ngunit noong November 27, ng nasabing taon sya ay sumuko na at pumanaw sa edad na 57.

Bilang kagustuhan ni charles na mailibing at ma-cremate ang kanyang labi sa New York, inulan sila ng demand sa mga admirers, relatives at kaibigan ni charles, inilagak muna nya ang labi ni charles sa isang sementeryo sa Lakeview, hanggang sa pagdala nito sa New York pagkatapos ng isang taon.. Yun ang plano.

Ngunit noong September 1900, dumating ang sikat na 1900 Storm na kumitil sa libo-libong tao at tinangay at sinira ng mga rumaragasang baha at ang lahat ng nadaanan nito.

Kasama sa mga natangay ng nasabing baha ay ang mga kabaong sa sementeryo ng Lakeview. Gawa sa granite block ang mausoleum ni Charles, tinangay parin ito kasama ng ilang mga struktura sa syudad na hindi nakaligtas sa baha.

Pagkatapos ng baha, naibalik muli at narecover ang mga natangay na kabaong mula sa Lakeview, ngunit marami ang hindi natagpuan, Kasama na rito ang kabaong ni charles. Pinaniniwalaan na ang mga kabaong na ito ay nawala ay natangay na papuntang Gulf of Mexico.

Ang mga kaibigan ni charles sa industriya at New York’s aktor club ay naglagay ng ng malaking halaga para sa kung sino man ang makakahanap sa nawawalang kabaong ni Charles.

Ngunit ito din ay pinaniniwlaan na lumubog na sa tubig dahil sa materyales kung saan gawa ang mga ito.

Ngunit noong October 1908, sa dalampasigan ng st. lawrence, Prince Edward Island, nakita ng isang mangingisda ang isang kahon. Noong hinila ito ng mangingisda upang mahila ito at malinisan at matanggal ang mga lumot at talabang nakakapit rito, tumambad ang silver plating at nalaman na ito nga ang nawawalang kabaong ni Charles Coghlan.

Noong bumaha dahil sa 1900 Storm, tinangay diumano ang kabaong ni charles mula sa dagat, tinangay ng agos papuntang Florida at hanggang sa Coast ng Prince Edward Island kung saan nakita ang kabaong .. at kung saan sya pinanganak.

Pagtapos ng nasabing insidente, dinala ang kabaong nya sa church sa Prince Edward Island kung saan sya bininyagan noong 1841 saka ito inilibing katabi ng simbahan.

Nakauwi na rin ang bangkay nya..

1
$ 0.00
Avatar for chandie02
4 years ago

Comments