Alam nyo ba ang Buhay ng pagiging Construction worker?
Sa panginin ng iba ito ay mabigat at mababang-uri ng trabaho, pero naisip nyo ba ang ganitong trabaho?
Sa palagay nyo? Dapat ba ikahiya o ipagmalaki? Yan ang katanungan ko sa inyo,
At ng dahil sa pagiging Construction Worker, ako na si Charls, 22 anyos na gulang, ay pinasok ko ang ganitong trabaho dahil sa hirap ng buhay. Dahil sa pangangailan ng pang araw-araw na pagkain at gastusin at lalo na sa pang gastos ng aking mahal na pamilya, Aminado ako mahirap talaga ang pagiging Construction Worker, pero? Kailangan yon dahil may mga taong umaasa sa akin, dahil kung hindi ako magtatrabaho ay mamamatay sila sa gutom.
Napagtanto ko sa aking sa sarili na kapag may tyaga may nilaga hehe ika nga ng mga matatanda. Alam nyo totoo yon dahil hindi biro ang trabahong ganito, kahit mahirap kakayanin para sa mga pamilya mo. Tama tama mahirap man pero masaya lalo na kapag ang mga katrabaho mo ay masiyahin, makulit at magulo, nakakatanggal sila ng pagod. Pero sa araw araw na lumilipas di ko naisip na masaya pala magtrabaho sa ganito, lalo na kapag naiisip mo ang pamilya mo..
Bilad sa araw, maghapon na nakatayo sa pinakamataas na gusali at walang kang masisilungan, kung hindi dadaanan ang mga ulap hindi ka makakasilong sa titik na titik na araw.
Katumbas man ng sakit ay masarap naman umuwi kapag makikita mo ang pamilya mo. Kahit na mahirap ang buhay.
Medyo mapiligro ang lahat, Pwede gumuho ang gusali, pwedeng magcollapse ang inaapakan mo, at pwede ka din malaglagan ng mga falling debris, kung hindi ka mag-iingat.
Sa trabahong ito dapat laging doble ingat kasi kung hindi ka mag iingat baka ano pang mangyare sa iyo, at paano na ang pamilya mo.
Kaya nga ang masasabi ko sa trabahong ito ay dapat mayroon kang TYAGA.
Hindi ko ikinahihiya ang trabahong ito dahil dito ko nabubuhay ang aking pamilya,
Ako na 23 anyos na gulang mulat na sa trabahong ito dahil sa kahirapan ng buhay. Pero tiis tiis lang
"MILABAS MURIN"
Yeah I know...