nung bata pa ko, lagi akong nakakita nang mga dalaga na nakakapagtrabaho na.
sabi ko sa sarili ko pag 18 years old nako magtatrabaho nako.
pero di ako umabot sa edad na yon.
14 years old ako nakipagsapalaran nako.
dahil sa pinansyal na problema di nako nakapag aral,
namasukan ako bilang serbidora sa isang bar,
nakakahawak ako nang pera,
nakakatulong nako kina mama at lalo akong nalilibang dahil andami dami kong nakikilala, nagiging kaibigan.
dumayo din at nakipagsapalaran ako sa ibat ibang lugar,
dalawang taon lang natapos yun,
dahil may nakilala ako isang lalaki at sobrang nainlove ako, naglive in kami.
16years old lang ako, at 30 years old sya malayo man ang agwat namin mahal na mahal ko siya.
sa ilang taon naming pagsasama nagkaroon kami nang mga anak,
si jake
si james
si vennise
napakahirap na napakasarap maging nanay sa tatlo kong anak ngayon,
sapagkat mahirap man ang buhay ngayon, mas nararamdaman ko ang sarap nang maging nanay sa tatlo kong anak,
anak sila yong nagwawala nang inis mo
anak sila yung papawi sa pagod mo
anak sila yung hahaplos sayo
anak sila yung nagtatanggal nang mga pinagdadaanan mo sa buhay.
minsan diko maiwasan umiyak pag diko naibibigay pangangailangan nila,
pero ang swerte ko dahil sila ang mga anak ko,
dahil napakabait nila,
naiintundihan nila yung di lahat nang pagkakataon ay meron akong maibigay,
mahal na mahal ko sila,
diko sila kayang pag palit sa anumang bagay,
diko sila kayang iwan,
sila ang lakas ko
sila ang kahinaan ko,
mga ANAK ko mahal na mahal kayo ni nanay..
salamat