Paglangoy sa Dagat ng Kaisipan

24 105
Avatar for carisdaneym2
3 years ago
Topics: Journey

Nagsimula ang pagtipa nang tumutok ang kamay ng orasan sa eksatong oras na alas-dose ng umaga. Marahil nailathala ko na ang aking saloobin sa aking dagat ng kaisipan na patuloy sa paglangoy kahit hindi alam ang pupuntahan o kahit nasaan ang tamang daan.

Bakit patuloy pa rin sa paglangoy sa direksyon na walang kasiguraduhan? Minsan na akong napaisip, naguluhan at sinubukang wakasan ang buhay. Sa lalim ng Dagat ng kaisipan and daming bagay ang maaaring maging dahilan na kung bakit hanggang ngayon maraming nalulunod sa dagat at sa direksyong iyong tinatahak. Sa oras na tumuntong ang hating-gabi, mga alaala ng kahapon na pilit hinuhukay sa pagkabaon pero ang sakit lang, ang sakit sakit lang dahil hanggang ngayon, pilit mang hukayin ang nakabaon, hindi pa rin makaahon.

Nahihirapan pero patuloy pa rin sa paglangoy, ninanais na makuha ang nag iisang perlas sa kailalim-laliman ngunit sadiyang hindi sang ayon ang panahon. Nalunod ka, sa hirap huminga nabitawan ang nag iisang perlas at walang sinuman ang nakakita pa. Ngunit sa kabila ng nangyari ay nagising ka na lamang sa gilid ng dalampasigan kasabay ng pag buga ng tubig at nakasisilaw na sinag ng araw. Tinanaw mo ang dagat, ngumiti ka at nagpasalamat dahil hindi mo man nakamit ang iyong nais ngunit nolagtas nito ang iyong buhay.

Panibagong simula, kasabay ng paglangoy ng mga isda, kasabay ng pagkipad ng ibon sa himpapawid. Ikaw ay tumungala at nagpasalamat na sa kabila ng lahat, mayroong gumagabay sa atin.

Sinubukan mong lumangoy ulit ngunit hindi para malunod, lumangoy ka ipagpatuloy ang hamon sa buhay, sinubukan mong mabuhay at humuli ng isda para sa inyong pananghalian.

Makalipas ang sandali ay natutunan mong makuntento at hindi maghangad ng mga bagay na kay hirap kuhanin sa isang iglap. Hindi sa kadahilanang ikaw ay sumusko bagkus ito'y naging dahilan upang ikaw ay maging mas matatag at matapan sa paglangoy sa iyong dagat ng kaisipan.

Inaabot na ng ilang oras sa pagtitipa, nalilito kung nasa tamang direksyon pa ba? Pahinto-hinto na at nauubusang ng pasensiya. Hanggang saan pa ba? Hanggang saan ang aabutin? Hanggang saan ang dapat languyin? Kasabay sa pag agos ng mga alaala ay ang paglangoy sa dagat ng iyong kaisipan. Huwag mong hayaang ikaw ay masilaw at malunod dahil darating ang panahon na matatagpuan mo rin ang isla ng kapayapaan ng iyonv puso.

Sa bawat paglangoy ay may balakid, ngunit sa bawat pag langoy at may mga bagay na inaagos palayo sayo, at may mga bagay na makatututlong sa iyo.

Inabot ka na pala ng ala-una ng umaga sa pagtitipa pero ang iyong diwa ay gising na gising pa. Maging payapa na sana ang bawat paghinga, bigat na nararamdaman ay ialis na at palitan ng mga bagay na makapagpapasaya at maipaparamdam na ang nag iisang ikaw ay sapat na.

Salamat sa lahat ng alaala,

Salamat sa mga alaalang naging dahilan ng pagsaya.

Salamat sa mga sandaling kapiling ka.

Sana ikaw ay masaya na sa piling ng iba.

Hindi istorya na mabubura dahil isang imahinasyon lang na minsan ay naging akin ka.

Sa paglipas ng maraming taon, muling babangon at haharapin ang mga hamon. Susubukang muling magtibay at magpakatatag.

Sa pagsulat naipapakita at naibabahagi ang damdamin at kaisipan, magulo? Magulo talaga ang utak ko at madalas ay nakalutang ako😆 hindi mawari ang dapat iparating at ipahiwatig ngunit alam kong ang ilan sa inyo ay mahihinuha at mapapalalim pa ang dagat ng kaisipang patuloy na nilalangoy ko. Magulo ma sa inyo, magulo talaga ang mundo. Baliktarin mo man ito, tingnan natin kung kaya mo. Baiktarin mo man ang lahat, babalik at babalik ang alat sa dagat.

Ito ay aking tatapusin na. Hanggang sa muli aking mambabasa, paalan sa ngayon ngunit pinapapangakong hindi mapapako, magbabalik at may ngiti at sabik.


11
$ 1.27
$ 0.50 from @Constant1995
$ 0.49 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @immaryandmerry
+ 3
Sponsors of carisdaneym2
empty
empty
empty
Avatar for carisdaneym2
3 years ago
Topics: Journey

Comments

Salamat kaibigan. Salamat sa paggamit ng ating natatanging wika sa lathalang ito. Sa mga mahahalimuyak mong kataga na itinagpi-tagpi ng ritmo at liriko ako ay nalunod sa pahiwatig mong nais ituran.

Wala akong ibang nais kung hindi masaksihan ang iyong pagtatagumpay sa paglupig sa mga balakid habang ikaw ay lumalangoy sa malawak na karagatan ng iyong isipan.

P.S. 'Yung pagtitipa ba ay pagttype? hehehe

$ 0.02
3 years ago

Ang laliiiim you're a pinoy din po pala? Omg hahahha di na ako nakapagpublish ng articles ko hhahaam

Salamat po sa pagbabasa, daming error diyan😪 wala ng edit edit haha

$ 0.00
3 years ago

haha ayos lang yan. Message received naman, it's clear. Ganyan ang pinapraktis ko ngayon. 'Yung dirediretso lang. Ang galing.

$ 0.00
3 years ago

Galing talaga, sobrang lalim lang di ko masisid ba, feeling ko malulunod din ako ee. Anyway, kamusta naman ang, nagpasalamat kana sa kanya so naka move on kana? Chorrr haha

$ 0.00
3 years ago

Imagination ko ang limit, krimstix

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha, krimstix lang malakas 😜

$ 0.00
3 years ago

Langoy lang. Wag magpapatianod, kundi lumangoy :) tapos Car kuha mo ko ng isda a? Hehehe.

May you find what you are searching for. Keep on swimming! Aja!

$ 0.00
3 years ago

Hahaha sige po sige po, ayaw niyo ng perlas? Hmmm

$ 0.00
3 years ago

Hahaha depende sa perlas. 😅

$ 0.00
3 years ago

Hahaahshs tama tama. Making wais sa pagpili😉

$ 0.00
3 years ago

Ibang perlas nasa isip ko Maricaria, ikaw din ba? ,😜😜😂

$ 0.00
3 years ago

Buwhaahhaaaa🤣🤣🤣🤣🤣 ayan ngayon same na🤣🤣🤣😂

$ 0.00
3 years ago

Ahahahaha meaning ngayin mo lang naisip 😂

$ 0.00
3 years ago

UI hahahhshahaha

$ 0.00
3 years ago

Wahahahaha, shhh

$ 0.00
3 years ago

Napakalalim naman ng kahulugan. Ganda ng flow aa. Sige harapin mo ang hamon, kayang kaya mo yan. Good luck sa iyong paroroonan😊

$ 0.00
3 years ago

Maging sa pag langoy ay nahihirapan ako ngunit sa dami man balakid ay pipilitin ko. Salamat sa pag unawa😉

$ 0.00
3 years ago

Napakalalim ng mga katagang iyong binitiwan, halos malunod ako sa sobrang lalim. Maganda and nilikha mo, bigyan na yan ng jacket. Char. Magaling magaling.☺️☺️

$ 0.00
3 years ago

Awee hahahaa salamat bhie😙😙😙💚

$ 0.00
3 years ago

Tuloy ka lang sa paglangoy bhie. Pasasaan pa at mahahanap mo din ang isla na iyong patutunguhan na magbibigay sa iyo ng kapayapaan.

$ 0.00
3 years ago

Sana ngaaaaaa ngunit sa lakas ng agos ay tinataboy ako palayoo🙄 sana lang ay may makapitan at makabalik sa direksyon patungo sa islang hinahanap ko.

$ 0.00
3 years ago

Mahirap man alam kong kaya mo 'yan. Malakas ka, tandaan mo 'yan.

$ 0.00
3 years ago

Uy check mo nga kung naka spam ako😳😲

$ 0.00
3 years ago

hige waits

$ 0.00
3 years ago