AGARTHA: THE CENTER OF THE GREAT UNKNOWN —Arcanum Levi Sa paglipas ng panahon, marami pa rin mga taong naniniwala sa teorya tungkol sa sinasabing "Hollow Earth" at sa sinaunang sibilisasyon na naninirahan sa ilalim ng daigdig. Ang teorya ng Hollow Earth ay tungkol sa isang malaking siyudad na tinatawag ding "Agartha" o "Asgard" sa German term. Ang teoryang ito ay orihinal na nagmula noong ika-17 siglo sa pamamagitan ni Edmond Halley, ang nakatuklas ng isang eponymous short-orbit comet na dumaraan sa earth kada 75 taon. Naniniwala s'ya na ang Earth ay binubuo ng multiple layers, at ang outermost layer ay mayroong halos 500 miles. Pinaniniwalaan n'ya na ang ilang mga natural phenomena gaya ng Magnetic Field at Aurora Borealis ay produkto ng sinasabing multiple layers. Makalipas ang ilang siglo, isang nagngangalang John Cleves Symmes ang naglathala ng isang pahayag tungkol sa pagnanais n'yang marating ang kaloob-looban ng Earth. Ginugol ni Symmes ang buong buhay n'ya sa paghahanap ng suporta at ebidensya tungkol sa Hollow Earth theory. Sa kasamaang-palad, nagkasakit s'ya sa kalagitnaan ng kan'yang biyahe patungo sa Quebec para magbigay ng lecture ukol sa kaniyang teorya. Kahit pumanaw si Symmes bago pa magbunga ang kaniyang paglalakbay, ang kaniyang ambisyon ang naging inspirasyon sa Arctic exploration at ang unang paglalakbay papunta sa Antarctica noong 1838. Makalipas ang maraming taon, isang nagngangalang Richard E. Byrd, Vice-Admiral ng US Navy, ang nanguna sa isang flight expedition patungo sa mga Poles. Matapos ang maraming beses na paglalakbay sa mga arctic territories, may isang lugar sa salaysay ni Byrd na pinaka-tumatak sa lahat, ang kaniyang "record-setting flight" sa ibabaw ng North Pole. Ayon sa isang diary na pinaniniwalang isinulat ni Byrd, napadpad sila sa isang mainit at kulay-luntiang lugar, na kung saan naroon ang mga Mammoth-like creatures, at ang sinaunang sibilisasyon ng tao na naninirahan sa loob ng Earth. Ang kanilang sasakyan ay inilapag ng mga tao sa center of the Earth sa pamamagitan ng isang saucer-shaped aircraft. Sa kanilang paglapag sa Agartha, sinalubong sila ng mga emissaries na naninirahan doon. Ang mga pinaniniwalaang Agarthans ay nagpahayag ng kanilang concern ukol sa paggamit ng atomic bombs noong WWII, at pagkatapos ay muling ipinadala si Byrd pabalik sa US Government bilang ambassador at upang iparating ang kanilang mga pahayag. Inilarawan ni Byrd ang lugar bilang “enchanted continent in the sky, a permanent mystery of Earth.” Bukod sa US Navy, natuklasan din ito ng mga Nazi Germans sa pamumuno ni Adolf Hitler. Matapos maging malinaw para sa kanila ang pagkatalo, naisipan na nilang magtago kung saan-saan. Pumunta sila South Pole para pasukin ang isa pang butas doon. "...There they board an unmarked plane and fly south ---- south to the pole. To the opening at the South Pole where they will enter the hollow Earth and disappear from history." Ayon sa paniniwala ng iba, ang Hollow Earth ay may klimang tropikal kung saan naninirahan ang mga humans, aliens, at giants. Ang mga nakatira roon ay mga descendants ng mga sinaunang lahi gaya ng Lemurians at ang Lost Ten Tribes of Israel—na sinasabing doon dinala ng kanilang God sa pamamagitan ng North Polar opening. Hindi na mahalaga kung saan sila nagmula, dahil mailalarawan sila bilang mga mapayapang nilalang, at may mas advanced na technology kaysa sa'tin. “They have flying saucer technology. They live lives of perfect health for hundreds of years. Their science is much more advanced because they live much longer lives...” Sinasabi na ang Agharta ay isang lugar kung saan ang lahat ng bagay ay mapayapa. Narito rin daw yung bagay na lumilipad at may mga batong makikinang na ayon sa mga mananaliksik ay isang UFO, base sa sinasabi sa bible na nakita ni Ezekiel (Ezekiel's wheel). The wheel imagery is described in the Book of Ezekiel 10:9-10: “And when I looked, behold the four wheels by the cherubim, one wheel by one cherub, and another wheel by another cherub and the appearance of the wheels was as the color of aberyl stone. And as for their appearances, the four had one likeness, as if a wheel had been in the midst of a wheel.” Ang ideyang ito ang naging inspirasyon ng maraming mga aklat gaya ng "MS Found in a Bottle" ni Edgar Allan Poe, "At the Earth's Core" ni Edgar Rice Burroughs, at "Journey to the Center of the Earth" ni Jules Verne na kalauna'y nagkaroon ng movie adaptation at kumita ng $244.2 million. Sa kabuuan, ang teorya tungkol sa "Hollow Earth" o Agartha ay isang mahabang usapin. Marahil kung hihimayin natin ang bawat detalye ukol dito ay kukulangin sa espasyo itong artikulo.
4
16
nakakaliw yung mga ganitong kwento ito yung mga favorito basahin