Ang "Nangangatok" ay karaniwang hindi nakikita na mga espiritu na nagdadala ng mga kakila-kilabot na mga bagay na darating (bad omen) . Pinapayuhan ang mga tao na sumilip muna sa bintana kapag may kumakatok bago buksan ang kanilang mga pintuan at baka makapasok ang "Nangangatok" sa loob ng kanilang bahay. Maliban sa mga "Nangangatok" (door knockers), may isang pangkat ng tatlong mga nakarobang pigura ang pinaniniwalaan ng marami sa Pilipinas na kumakatok sa mga pintuan sa kalagitnaan ng gabi at nagdadala ng masamang pangitain, at hindi natin sila nakikita (pwera nalang kung may third eye ka). Ang mga "Nangangatok" na ito ay sinasabing mukhang mga tao ngunit nagsusuot ng mga pantalukbong na nakakubli sa kanilang mga mukha. Ang isa ay kahawig ng isang batang babae, habang ang iba pang dalawa, mukhang matatandang lalaki.
The Story/Tale:
Karamihan saatin ay hindi gaano mahilig maglakbay sa ibang lugar ngunit maraming mga bagay sa labas ang nanaisin mo talagang matuklasan. Kapag nakalayo ka na sa syudad, malayo sa lahat ng mga turista at tumira sa ritmo ng lokal na buhay, ay matutuklasan mo ang mga kakaibang bagay.
Nagpunta ako sa isang maliit na bayan na hindi kalayuan sa Maynila upang simulan ang aking paglalakbay sa Pilipinas. Matapos ang ilang mga kamalian sa pagsakay ng ilang mga bus at ilang mga jeepney, huminto ako sa maliit na pamayanan na ito sa gilid ng isang bundok na tinatawag na Sta. Montinola. Sa sandaling iyon, ay nakaramdam ako ng gutom buti nalang nakakita ako ng isang tindahan ng Bulalo. Ibinaba ko ang aking mga bag at ginawa ko ang aking makakaya upang makipag-ugnay sa mga lokal.
Mabait silang mga tao, sinabi nila sa akin ang lahat tungkol sa mga lugar na dapat kong bisitahin sa paligid ng kanilang bayan. Ang mainit na bukal, ang bundok, at ang magandang ilog, para sa akin ito'y mga kahanga-hangang sorpresa. Ito ang dahilan kung bakit nasisiyahan ako maglakbay. Makakakita ka ng mga tanawin na wala sa anumang travel blog o mapa. Makikita mo talaga ang kagandahan ng isang lugar sa sarili mong paglalakbay.
Ang bayan mismo ay may napaka-kagiliw-giliw na arkitektura. Malapit na akong kumatok sa isang pintuan nang hinawakan ng isang lokal ang aking kamay at pinigilan ako. Ipinaliwanag niya na ang pinto ay natatakpan ng bubog (sirang baso/salamin) at dapat kong gamitin ang doorbell. Tinanong ko kung bakit nilalagay nila ang isang bagay na mapanganib sa isang pintuan at kung nagdudulot ito ng mga aksidente ngunit sinabi lamang ng lokal na, ganoon talaga iyon sa kanilang barangay, sapagkat nakakatulong ito sa mga tao na mabuhay pa nang mas mahaba.
Ang mga pintuan ay tila natatakpan ng mga mapanganib na bagay. Sa aking hotel, may ilang mga pako na nakakabit sa harap ng lahat ng mga pintuan sa mga pasilyo. Tinanong ko ang manager tungkol sa kakaibang tradisyon na ito at sinabi niya na paraan nila ito para iwaksi ang mga masasamang espiritu. Sinabi niya sa akin na hindi nila kailanman binubuksan ang isang pinto sa sinumang hindi gumagamit ng doorbell.
Tila isang kakaibang bagay na gawain ng isang bayan at mapanganib. Hindi ko nais na isipin ang lahat ng mga aksidente na maaaring mangyari sa mga matutulis na bagay sa mga pintuan. Mapanganib talaga.
Ngunit ayaw kong hatulan ang mga lokal. Napakabait nilang mga tao at tila gumagana ito para sa kanila. Binigyan pa nila ako ng isang iskedyul kung kailan ako dapat umakyat sa ilog upang makita ko ang paglubog ng araw.
Pero dapat akong makatulog nang maaga ngayong gabi upang makapagsimula akong maglakbay ng maaga, ngunit may patuloy na kumakatok sa aking pintuan. Sa palagay ko, ito ay isang kalokohan ng isa sa mga lokal na bata dahil sa tuwing bubuksan ko ang pinto walang sinuman ang nasa labas.
Kakausapin ko nalang ang manager tungkol dito, bukas ng umaga.