Nanonood ako ng K-Drama tapos pinaalala na naman sa akin yung sakit. Sana all talaga kasi nakapasa sa admission. After kong gumraduate online, tambay na sa susunod. Hindi talaga ako maka-move on kasi sobrang sakit na nabalewala talaga mga expectations and pagod mo this school year. Nakakapanlumo. Yung sila, masaya makakapag-aral sa mga courses nila. Tapos kami, hindi raw maaari papasukin haha.. Grabe kasi yung sakit, yung di mo man lang napatunayan sa kanila yung kakayanan mo. Siyempre kung may exam, paghahandaan ko talaga yon ng mabuti kaso grades lang basehan eh. Minsan gusto ko na lang magpatiwarik eh haha joke. Di lang kasi ako maka-move on. Sana may upcoming updates pa sila haha. Minsan talaga iniisip ko kung bobo ba ako, or hindi lang binigyan ng pag-asa. Wala na akong magagawa, tapos na haha. Alam kong hindi lang ako yung nasa sitwasyon ko kaya hindi naman gaanong masakit. Hanggang ngayon, nandito pa rin yung lungkot haha. Walang mag-mo-move on joke. Time will heal na lang haha.
4 comments
Ano na yung susunod mong plano Charles
Ano ba ang nangyari? For sure makaka move on ka rin, there's a lot of chances sa life yaka mo yan, inuod mo na lang ng kdrama haha
Public university ba ang paaralan na gusto mong pasukan? Wala ba silang entrance exam at grades ang kanilang babasihan?
Enjoy sa panonood ng ka drama kaibigan