Actually, hindi ko plano bumili ng keyboard kanina sa mall kaso napasubo ako since medyo nagtatampo Lola ko. Buti raw iba kong pinsan nakabili ng mga gamit sa SM Cabanatuan tapos ako, wala man raw kahit isa. Kakarating lang namin 30 minutes ago, and medyo napagod lang kaya hindi nakapagpost haha. Okay naman siya kaso naninibago ako sa spacing. Hindi pa ako komportable sa pagkakasalansan ng mga keys, and mas maganda ng bumili nang ganito kasi lagi ako nagtatype. Lalo na ngayon, maraming bumubulong sa amin na magsulat na raw ako sa Hive. Sorry nga pala kahit walang may pake kung di ako nakapagpost kanina sa sobrang ka-busyhan. Ilang days na akong busy, sa Monday and Tuesday ulit para asikasuhin yung mga forms ko don sa Core Gateway. After ng first sem, lilipat na talaga ako sa public university and they said na pwede naman yon. Yun ang recommendations sa akin ng mga tita ko.
3 comments
Flat lahat nang keys? Ganda sya infairness.
Ang ganda ng kulay ng keyboard mo. Love ka ng lola mo ano. Kasi sya pa mismo ang nagsasabing bumili ka ng keyboard nayan.
Ganyan ung keyboard sa bahay namin