Kanina pumunta kami sa school para kuhanin credentials ko specifically the Form 138, Good Moral, and yung medal ko. To be followed pa raw yung Form 137, diploma, saka certificate naming mga With Honors haha. Kaya pagkarating na pagkarating namin ng bahay, nagtake kaagad ako ng photo kasama nung medal and sablay ko. Ang problema nga lang feel ko napakapangit ng hitsura ko kahit saang anggulo and filter kaya tinakpan ko na lang. Good afternoon everyone. Ngayon pa lang ako magsisimulang magseryoso sa mga grinds ko. Mamaya dapat naka-enroll na ako sa private school na napili ko. Sana makahanap man lang ako kahit isang scholarship para naman makabawas sa gastos and maging source of passive income ko haha. At saka sana sa mga panahong pinili ko ang RAD (Remote and Distance Learning) sa university na pinasukan, makahanap ako ng scholarship and freelancing job. Hirap talaga kapag minor pa tapos medyo malas pa sa buhay. Dalawang semester lang naman or less ako mag-s-stay eh huhu.
2 comments
Bakit dalawang semester lang Charles? Saan ka mageenroll next?
Congratulations sayo lods with honor ka pala. Ipagpatuloy mo lang yan lods.