Ramdam na ramdam ko yung stress through the past few days. Sobrang nahubog talaga don yung paghandle ng mga bagay bagay. Ang aga kong nakatulog kagabi kasi four hours lang talaga natutulog ko every time na may pasok. Nababawi naman pagkarating ko ng bahay. Nung nakakaraan rin, lagi akong puyat kakareview at kakahandle ng mga groupings. Meron sana ako muntikang maging leader pero bago pa mangyari yon, pinasa ko na para mabawasan mga isipin ko. Hindi rin ako masyado nakareview sa mga majors non dulot ng case study sa Starbucks pero kahit papano, nakapasa. I'm proud to myself kasi nairaos ko yung Prelims. So, what I learn from this prelim? 1. Print the reviewers more advanced. 2. Mag-advance reading ka na para konting review na lang. 3. As far na merong potential leader, huwag na huwag mong sasaluhin. Ang mahirap kasi ay halos nasalo ko lahat ng leader. Consequence yon ng pagkapanalo ko sa Quiz Bee ko noon. Kung di ako nag-champion non, baka mas mabawasan yung mga linilead ko. May times na umiiyak na lang ako kapag walang nakatingin hahahaha. Di ko kasi alam kung kakayanin ko. May aasikasuhin pa akong PE ngayon tapos ipapasa ko yung mga modules sa pricing. So far, I did great kasi marami akong natutunan on how to advance more on Midterms.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Same Charles wala na akong wastong tulog lintek na buhay to hahahahah
bat pa kasi tayo nag-college
yun nga eh pwede naman tayo mag-farmer nalang sa Japan