Sorry kung medyo matagal akong nawala rito. Nagsagot kasi ako kanina ng Mastery Test sa 3Is tapos nanood ako sa YouTube nung mga tutorial sa Performance Task namin sa CPAR. Medyo nakukuha ko naman kung pano ko siya gagawin. Nagsearch na rin ako ng mga National Artist na gagawan ko ng Digitized Album. Basta kung ano yung sample, yun na lang paggagayahan ko. Bukas ko na lang siya gagawin magdamag along with the references na pinapagawa. Tatanungin ko ulit kung saan yung source para magawan na ng APA. Alam ko kasing hindi na naman sila kikilos kaya hindi ko na muna tatanungin kung ano na nagawa nila para magawa na yung reference. Di ko rin alam kung pano namin gagawin yung data collection procedure, last two minutes na rin ako gagawa baka rin kasi may masabi eh. Ginagawa ko nang maaga yung mga activities kasi mahirap matambakan. Yung sa theoretical framework na lang muna lalagyan ko na gawa ng leader namin. Ayun lang. After kong kuhanin yung mga sinampay, maliligo tapos timpla ng kape para meryenda. Tapos isip naman nung gagawin sa slogan para gawin bukas. Feel ko walang pahinga ang week ko haha. Okay lang naman haha dami ko ring pahinga nung nakaraan na di sila nagbibigay ng mga activities.
1 comment
Kelan graduation niyo?