Good morning. Sorry sa hindi pag-update, tinatamad eh. Habang nag-s-scroll ako kanina sa Facebook, may post talaga na pumukaw sa interes ko. In the past few years na pumasok ako rito at yung pandemic, everything has changed. I just realized that I became more focused on my downsides lately, and hindi na ako masyado nakaka-appreciate sa mga maliliit na bagay. Medyo na-a-annoy ako sa sarili ko kasi may times na cino-compare ko yung sarili ko sa iba without knowing that we have our own definition of success. Hindi naman talaga nadaan sa pera ang success eh, though that is my general problem we are facing today. May times sa buhay na ihinahalintulad mo yung achievement mo sa ibang tao without contrasting the way na mas angat ka sa kaniya sa ibang bagay. Hindi naman por que mas magaling siya sa'yo academically ay magaling na siya generally sa lahat ng bagay. Nung wala pang pandemic, I admit na struggled ako sa pera since financially dependent lang ako sa parents ko. Naiinggit ako sa iba kasi may magaganda silang phone samantala sa akin pinaglumaan na puro defects tapos need ko pang bayaran by sewing notebooks. Nakakainis di'ba? Then nung nagka-pandemic, naging broke ako kasi nga wala na akong baon. It means na wala na akong inaasahang income. Hindi ko rin aakalain na makakapasok ako rito in unexpected time at marami akong napag-aralan na isinasabuhay ko ngayon. Even I feel envious sometimes to others, I never embracing the crabmentality sickness na isinasabuhay ng ibang mga Pilipino ngayon. Kaya kahit nasa red or green man tayo, nandito pa rin ako at naranasan ko yung mga pangarap na akala ko magiging pangarap lang. Sabi don sa post na nabasa ko, "Minsan, kapag nalulungkot tayo sa mga bagay na di pa natin naaabot, balikan lang natin yung mga bagay na dating wala tayo pero ngayon, mayroon na. Baka kasi sa kakaisip natin dun sa mga bagay na wala pa, hindi na natin naaappreciate yung mga bagay na nandito na sa atin." Relate ako don sa post na yon kasi dati nalulungkot ako kasi wala akong laptop. Simula nung pagbagsak nung VIS na akala ko na mapupunan ang mga pangarap ko, muntikan na ako mawalan ng pag-asa. But look at my laptop na, galing yan sa earnings ko sa BCH. Ito yung motivation ko kapag may gusto akong dreams na hindi ko pa naaabot kasi naranasan ko na siya eh. May kulang pa yan na 10k pero alam ko naman na mababayaran ko yon galing rin rito. Link nung inspired post sa Facebook: https://www.facebook.com/LifeStorieswithKuysDyek/photos/a.100451038703668/399169535498482/ Sorry ang haba haha.
1 comment
May tamang panahon talaga sa lahat ng bagay sa mundo. Katulad ng kasabihan, "Hindi pa ngayon ang tamang panahon, darating din ang araw mo."