Medyo nakakapanlumo ngayong araw. Nakakabaliw. Gusto kong maiyak pero hindi puwede. Kailangan ko maging matatag. Kanina kasi tawag nang tawag yung colleague ni Papa para sa sunod sunod nila na update. Nung una, akala nila mild stroke lang yung sakit niya. Tapos nag-update, ang sabi medyo kritikal yung sitwasyon niya. May pumutok raw na ugat sa bandang ulo, and parang gusto na ni Mama mahimatay. Ako rin parang nahihilo rin kaso kung malungkot ako, mas lalong malulungkot yon. Grabe nakikita ko pa lang yung magagastos namin siyempre di pa kasama yung gamutan tapos maintenance niya if makarecover siya. Siyempre matitigil rin siya sa work kasi nga may sakit siya. May ready naman na mag-assist sa kaniya financially pero paano sa ibang araw? Of course, titigil siya sa work tapos wala kaming income. Yung income ko rito good for myself lang and hindi ko to itinuturing na active income. Active passive income puwede pa. Iniisip ko kung paano ko macocover lahat ng gastusin ko sa school next two weeks. Buti na lang talaga nag-RAD ako.Medyo mahal tuition per semester kaya sana makahanap ng scholarship and online freelance job. Sana naman makahanap ako, gagalingan ko na lang sa school.
4 comments
ang bigat ng pinag dadaanan mo nagyon , alam ko na kahit papaano sobrang lungkot mo at hirap ka mag isip, kapit kalang kay God para bigyan ka ng guidance, mahirap man ngyon pero may darating na liwanag para sayo, alam ko mallagpasan mo din yan, try mo lumapit sa city hall sigurado may tutulong sayu dun para sa papa mo
Sana nga makahanap ka ng scholarship Charles
Keep fighting kapatid! Malalampasan nyo rin iyan at makakapatuloy ko ng pag aaral.
Pray at laban lng, malalampasan din yan bg family mo