Scholarship program.... Kanina kakapunta ko lang sa gym para magtanong ng requirements don sa Scholarship Program sa munisipyo. Recommendation sa akin to ni Ate @imanagrcltrst eh haha. Kapag may open na scholarship, sabihan mo ulit ako haha. Grabe yung kaba ko habang nagtatanong don sa tauhan ng PHLPost tapos hanggang mapunta ako don sa building na tinuturo niya. Nagtanong lang talaga ako ng requirements kasi wala akong idea. Aasikasuhin ko na kaagad ito bukas and medyo marami lang requirements. Dedicated talaga ako makahanap para sipagin ako pumasok sa school. Although may relative ako na magbabayad ng tuition ako hanggang sa makatapos ako, feel ko need ko pa rin ng pera. Lalo na ngayon, nagpapa-theraphy Papa ko. About don sa High School Card and hindi ko alam kung Grade 12 lang, hindi ko naman problema yon. 88 raw ang kailangan na average, and ang average ko ngayon ay 93.5. Kung kailangan grade nung high school ka pa, wala naman ako problema ron kasi yung GWA ko nung Grade 7-9 ay 88. Tapos Grade 10 is 92 and Grade 11 is 91. Wala lang, share ko lang. Hindi ko alam kung magkano yung ibibigay pero sana makumpleto ko siya.
3 comments
Parang iskolar ng bayan ba yan mate?
wow. sna makuha mo yan pra menus gastos
Ang lalaki Pala Ng grades ninyo kaingay nakakainggit.