Musmos Ng Pagmamahal

1 21
Avatar for boazj
Written by
2 years ago

Ako nga pala si rem isang bata na di malaman ang gagawin dahil sa mga magulang na pabaya! Pabaya oo pabaya sila nakakalungkot man isipin dahil ang obligasyon nila ay kanilang iniwan . Iniwan nila kami at iniwan sa lolo at lola namin. Salamat sa lolo at lola ko dahil di nila kami pinabayaan sa kabila na matanda na sila at walang sapat na pangtustos sa amin magkakapatid at magpipinsan. Dumating din ako sa punto na kailangan ko na magtrabaho para makabawi ako sa kanila. Ayun nga nagtrabaho ako ng basurero hindi naman ako nahihiya ika nga ng iba di baleng basurero huwag magnakaw pero nakakalungkot na dapat ang isang bata na nag aaral ay nagtatrabaho para matulungan ang lola at lolo niya di naman sana ganun kaso nagkasakit lola ko kaya minabuti ko na magtrabaho para matustos ang gamot niya. Pero habang tumatagal napapagod na ako parang naisip nahihirapan na ako. Kaya napasama na ako sa mga barkada natuto ako gumamit ng pinagbabawal na gamot pero mababa lang naman yun tulad ng rugby,vocasel,solben,damo at shabu etccc isip ko para lang mawalan yung lungkot sa puso at diko lubos maisip muntik na akong maging baliw na lagi ko ng kinakausap sarili at napapaluha ang mga mata. Bakit kami pa kami pa na sana di kami ganito na sana nag aaral ako na sana may trabaho ako ng maayos na sana magkakasama tayo na sana masaya tayo kaso sana lang at hindi na mababalik pa

2
$ 0.01
$ 0.01 from @gold_diablos

Comments

Nice lods from phcorner

$ 0.00
2 years ago