Sa mga oras na lugmok na lugmok ako sa kalungkutan, dumating ang isang ikaw ng hindi ko inaasahan. Ikaw na akala ko katulad lang din ng iba na bigla akong iiwanan. Ngunit nanatili ka at kailan man ay hindi ako linisan.
Ako ay lubos na nag papasalamat dahil alam kung merun akong maipag mamalaking ikaw, na alam kung lage lang nadyan upang hawiin ang mga luha sa aking mga mata at lagyan ng ngiti ang aking mga labi.
Ikaw.. Na alam kung kailan man ay hindi mag sasawa at mapapagod na mag laan ng oras para alagaan at pasayahin ang isang tulad ko. Isang tulad ko, na hindi kagandahan , hindi kabaitan at lalong hindi perpekto.
Alam ko walang perpektong tao sa mundo ngunit nais kung malaman mo na masaya ako sayo, kuntento ako sa mga bagay na ginagawa mo para maparamdam sakin na mahalaga ako.
Nais kung malaman mo na andito lang ako, maghihintay lang lage sayo, Kaya lubos na nag papasalamat ako dahil merun akong ikaw na alam kung masasandalan ko sa hirap at ginhawa.
Bakit ako?hehehe, wow the message is so deep, I feel the emotions in every lines. Thanks for sharing.😆🖒