"Buhay ay Pahalagahan, Covid-19 ay Iwasan"

0 16
Avatar for bing20
Written by
4 years ago

This is a new poem I have written I hope you would like it.

Biglang tumigil ang buong mundo,

Nawindang ang lahat ng tao.

Sino ba naman ang mag-aakala?

Kalabang hindi nakikit,

Sakit na mapaminsala.

Mga tao ngayo'y nababahala

Baka sila ay mahawa

Sa virus na kumakalat

Sa bansang Tsina pa buhat

Sang-ayon sa mga ulat

Nagsimula noong huling quarter ng 2019

Sakit na may ngalang Covid-19

Kaya ngayon buong bansa natin

Ay nasa ilalim nh Community Quarantine

Kaakibat ang mga panuntunang dapat sundin

Mga kaso'y mabilis na dumamadami

Sa buong bansa saan mang parte

Kaya payo sa mga tao'y mag-ingat

Ugaliin ang pagsuot ng face mask

Sapagkat sakit ay mabilis na kumakalat

Umiwas muna sa maraming tao

Baka ikaw ay magpositibo

Bagay na ito'y dapat seryosohin,

Isanasawalang bahala lang ng iba sa atin

Alam niyo bang ito ay para sa atin?

Tulang aking sinimulan

Ngayo'y akin ng wawakasan

Kaibigan isa lamang paalala

Buhay mo'y bigyang halaga

Ingatan ang sarili pati na rin ang pamilya

Thank you so much for spending time in reading my article.

1
$ 0.00
Avatar for bing20
Written by
4 years ago

Comments