read.cash Log in
@bheng620 more from that month

Puro Asam, Wala Man Lang Nakakamtan

Magandang Tanghali po sa lahat, Kumusta po kayo dito? Ako, sa awa ng Diyos eh buhay at humihinga pa man, narito po ulit ang inyong abang lingkod para na naman sa isang artikulo na kanyang ibabahagi't isusulat dito para sa araw at oras na ito, ipagpaumanhin ninyo ang kanyang pagliban kahapon sa kadahilanang siya ay tinamad at walang maisip na maibahagi't maisulat, pero ngayon siya'y sinipag at narito muli para magbahagi ng aking isusulat, lol. Puro Asam, Wala Man Lang Nakakamtan Ako ba'y puro asam at wala man lang nakakamtan? Puro asam, wala man lang nakakamtan, ito ba aking kapalaran? Puro asam, wala man lang nakakamtan, ito ba ang itinadhana sa akin ng Poong Maykapal? Masama ba ang mag-asam? Bakit sa wari ko, wala talaga akong nakakamtan sa simula pa lamang? Puro asam, wala man lang nakakamtan, sadya ba talagang ako'y malas sa tawag ng pag-ibig o ganung larangan? Ako ba'y ipinanganak o isinilang para lamang mag-asam at walang makamtan? Puro asam, wala man lang nakakamtan, ako ba talaga'y laging uuwing luhaan at talunan? Puro asam, wala man lang nakakamtan, ito ba ang guhit na sa aking palad na siya kong magiging kapalaran? Puro asam, wala man lang nakakamtan, ang aking pinapangarap na cellphone dito hanggang pangarap at asam na lamang? Puro asam, wala man lang nakakamtan, ito ba talaga ang aking dapat maranasan sa aking buhay dito o habang ako'y nabubuhay? Puro asam, wala man lang nakakamtan, ang tanong na nasa aking isipan sa ngayon, sana sa hinaharap, may sagot ng mahanap. Puro asam, wala man lang nakakamtan, kailan ko ba makakamtan ang lahat ng aking inaasam? Masama bang mag-asam, bakit sa aking wari, malabo ko iyong makamtan? Puro asam, wala man lang nakakamtan, siguro panahon na para itigil ko ang aking pag-asam o mga inaasam at hayaan ang kapalaran na magbigay sa akin ng mga dapat kong makamtan? Puro asam, wala man lang nakakamtan, ito ba talaga ang aking dapat matamo't maranasan? Puro asam, wala man lang nakakamtan, hiling ko sa Maykapal, panalangin ko'y dinggin at bigyang katuparan. Puro asam, wala man lang nakakamtan, hanggang asam na lamang ba dahil hindi ko man talaga iyon dito makakamtan? Sana po ako ay inyong matulungan para masagot ang katanungang iyan at para maliwanagan dito ang aking magulong isipan.

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.