Tunay na kaibigan

0 5

Sila yung mga taong masasandalan at maasahan mo sa tuwing ikaw ay may kailangan. Ngunit sa paglipas ng panahon na kung saan sila'y makakatagpo ng panibagong tao at magsisimula ng umibig. Diyan na magbabago ang pakikitungo nila sayo. Hindi na pwedeng maging malapit kayo sa isa't-isa dahil may nagmamay-ari na sa kanya. Hindi na katulad ng dati ang saya dahil hanggang dun nalang talaga. Lahat ay may limitasyon at lahat ay may katapusan. Kahit tunay na kaibigan sa huli talaga ay may maiiwan.

1
$ 0.00

Comments