0
7
Di masukat pag babasahin,
Tanging pagmulat aking hangarin,
At ang una kong sasabihin,
Di ako katulad sa marami.
Read the small print,
Kahit di cannon 'tong Canon siguradong may papel sa eksena;
Madaling maakit sa malaking sulat,
At font na may kolorete;
Nakabold kasi mainstream,
Ngunit maraming maliliit,
Mga indie at underground,
Nire-redirect gamit asterisk;
Ito'y isang malaking akto,
Kung saan ako'y nasa "and more".
Aba, nakakalito na ba?
Para bang si Lapid?
Di klaro kung ano ang pakay sa entablado?
Pasensya kung ganon,
Pero wala akong pake;
Binigyan ako ng oras magtanghal since June 2, 2002,
Bilang deboto ng aking art form.
As an artist,
Di bale kung di artista,
Basta artist bilang makata.