Takipsilim

0 6

Ako lang ba?

Ako lang ba ang nabubuhayan tuwing takipsilim?

Sa sobrang traffic ng mga sasakyan

Sa sobrang init ng araw

Sa sobrang bilis ng kilos ng mga tao

Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba ang mabuhay

Sa tuwing sisikat araw ay maskara ko'y sout sout ko na

Ngiti sa aking mga labi ay naipinta na

Para lamang masabi ng iba na kaya kong makipagsabyan sa agos nila

Ngunit sa bawat kanto ng aking pinupuntahan ay labis akong nasasaktan Para kasing lahat ng mga iyon ay may mga kuwentong nais maibahagi Ngunit bawat kanto ay takot na mahusgahan

Kaya sa kadiliman ay pinipiling matabunan

Bawat tao na aking nakikita

Ay iniisip ko kung ano ang kanilang istorya

Mas gusto ko kasing mag-obserba nalang kaysa tuningin sila

Dahil alam ko naman ang kanilang sagot

at iyon ay "okay lang ako"

Nakakasawa na itong mundo nating waring tanghalan

Kung saan lahat tayo ang siyang mga artistang naglolokohan

Mga artistang nakakalimutan na ang sariling pangalan dahil mas inuuna ang iskrip kaysa sariling kalagayan

Kaya ako

Mas gusto kong magtakipsilim na

Dahil iyong lamang ang panahon kung saan sabay sabay na tinatanggal ng lahat ang kanilang mga maskara At sabay sabay na lilimutin ng lahat ang kanilang mga linya

Upang langsapin ang katotohanan

Kahit na puro ito kasakitan

Dahil sa takipsilim lamang umaalis ang liwanag habang pasapit pa ang kadiliman.

1
$ 0.00

Comments