Kawalan

0 2

Ayus lang naman na ikaw ay umibig sa isang makata

Basta alam mo lang kung paano kumawala

Hindi naman kita pinapaikot upang tayo'y maging tugma

Ginagawa ko lang ang lahat upang ika'y mapasaya.

Ngunit iba pala ang iniisip mo

Akala mo sobrang makasarili ako

Akala mo binibilog ko lang yung ulo mo

Akala mo hanggang salita lang ako.

Kaya ko namang bigyan ka ng regalo

Yun nga lang mas pinipili ko ang magpapatibok ng puso mo

Ayaw ko yung makabago na puro bulaklak at tsokalate

Pero kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo at papakawalan na kita ng husto

Hindi na ikaw ang magiging paksa sa bawat piyesa

Hindi na ikaw ang magiging dahilan ng aking saya

Hindi na ikaw ang magiging pantasya

At hindi na ikaw ang taong iibigin ko hanggang sa katapusan dahil hindi ka kawalan.

1
$ 0.00

Comments