Pagtanggap at pagpapanggap
Sa mundo, iba't ibang uri ng tao ang pwedeng mahagilap
Maaaring maraming pwedeng mangyari sa isang kurap
Kung kaya't wag tatalikod at pwedeng bumagsak sa isang iglap
Kahit anong bait ng ahas ay pangahas niya pa ring tutuklawin ang amo Sadyang lahat ng bagay kahit napakaamo'y pwedeng maging tuso
Kaya't huwag munang ibigay ang tiwala sa mabuting Samaritano Pakatandaan na laging mayroong dalawang mukha ang isang piso
Kadalasang ang kaaway ay nandiyan lang sa tabi - tabi
Minsan kung sino pang mukhang mabait, siya pang maraming kinukubli
Mag - ingat sa mga kaibigang may mukha ng maamong tupa
Dahil baka sila pala'y leon na sayo'y handang sumagupa
Iwasan ang masama't matapang upang makaiwas sa gulo
Hindi natin alam na mas dapat katakutan ang mga taong nasa loob ang kulo Ayaw mong tangkilikin ang masakit magsalita ngunit ang puso ay totoo Gusto mo kasing makarinig ng magaganda sa mga taong peke naman sayo
Hindi totoong kahit anong kabutihang gawin mo sa kapwa mo'y babalik sayo Hindi rin totoong lahat ng taong nagpapakabuti sa harap mo'y nagpapakatotoo Pagtanggap na kay init na siyang pinangpukaw at pinanlinlang
Sa huli'y isa lang palang tusong sulong na sakin ay lalamon at dadarang.