Kabiyak ng aking puso

0 14

Huwag pitasin ang kabiyak ng puso ko

Sa tuwing ika'y pinagmamasdan,

Paligid ay gumaan,

Sa masalimuot na hardinan,

Kakaiba ang gandahan,

Na iyong tinataglay,

Labinlimang mirasol ng aking buhay.

Nagsisilbing gabay,

Laging nakangiting sumusubaybay,

Sa bawat paglakbay,

Labinlimang mirasol ko.

Ika'y kabiyak ng puso,

Sabay tayong dalawa sa pagligaya,

At sa hamon ng buhay,

Di malalanta kapag ika'y kapanig,

Di mag mamaliw pag namukadkad ang tinig.

Didiligan ng tubig ; tubig ng pag ibig,

Labinlimang mirasol ko; laging bukang bibig,

Labinlimang mirasol ko,

Ikaw ang puso ko ; kabiyak ng puso.

Sa lahat ng panahon ikaw ay namumukadkad,

Hindi hahayaan na ikaw ay mapitas ng huwad.

1
$ 0.00

Comments