Yan ang huli, pero pinakamasakit na salitang narinig ko sakanya, halos mag-iisang Linggo na rin pala mula nung mag hiwalay kami.
Nagsimula sa Petsa Katorse ng Agosto, nag tapos sa petsa bente-otso, kung susumahin, Labing Apat na araw, yan lang ang tinagal na Relasyon namin ng First Love ko, di ko akalain na napakaaga ng panahon para magtapos ang Sinasabi nilang "Road to Forever".....
She's only 16 and I'm 15 nung maging kami, Grade 11 siya, samantalang Grade 10 naman ako, we are both Transferees kaya naman I know na maraming naka Relate sa Loveteam namin, mabilis rin kaming nakilala sa school namin.
I Remember the day nung nagkakilala kami, when I was Volunteered to Help the Admin. Of our school to set up the Organizational Chart for the School Year, then dumungaw ako sa bintana, may nakapukaw ng Atensyon ko, a girl Wearing Casual attire, naka Red long sleeve tsaka parang morenang binibini. After a while, tinanong ko yung mga Classmates ko dun sa Office kung sino yun.... Finally nakilala ko rin siya, A Transferee Named "Asher"
"Hi Jeff, I'm Asher" sabay shake hands.... Natulala ako and parang na spark ako, dun nagsimulang tumibok ang puso ko.
As Days go by Unti-unti kaming nagkakalapit sa isa't isa, naging mag "M.U. kami, at siyempre mas nagkaroon ako ng determinasyong mahalin at pahalagahan siya, hanggang sa nag desisyon nakong ligawan siya.
August 12 is my first choice para mag confess sakanya, para pag First Monthsarry namin, timing na Birthday ko, pero sumagi sa isip ko na sa Petsa Katorse nalang para pag patak ng 6th Monthsarry namin is Timing na Valentines day.
Pumatak ang Petsa katorse, ang pinaka aantay kong araw, at sa wakas, nakuha ko na rin ang matamis na oo mula sa Malamyos na tinig ng pinakamamahal ko, pero nung araw na yun ay parang may naramdaman na kong di maganda
Sa Unang Linggo, naramadaman kong may di talaga maganda, parang unti unting lumalamig, ni halos di ko maramdaman na may pake o may care man lang siya sakin, parang nung mga panahon na yun ay parang laging masakit yung nararamdaman ng puso ko, oo mag jowa nga kami pero bakit parang Bali-baligtad ang relasyon namin?
Sa Huling Linggo, naramdaman kong halos wala nang pag asa pa sa Relasyon namin, halos lahat ginagawan ko naman ng paraan para mag work pa yung Relasyon namin, yung feeling na halos wala man lang siyang pake kahit lahat ng bagay sa Relasyon namin ay ako ang nagdadala, oo mabigat, yung tipong ikaw nan lang interesado sa inyong dalawa.....
Petsa bente otso, exactly 2 weeks na kami, maganda naman umaga ko, pero pumangit nung may Marinig akong balitang wala na kami, hindi ko muna pinaniwalaan yun pero mas lalong nadurog ang puso ko ng patunayan ito ng isa sa mga kaklase kong WALA NA TALAGA kami.
Hindi ko na pinuntahan si Asher sa Klase nila, bumili ako nung pang break time niya para di siya magutom at pinabigay ko nalang yun sa Kaibigan niya. Hindi na rin ako kumibo pa, pinangako ko sa sarili ko na paglubog ng araw at pag natapos ang araw na to, tapos na rin ang Relasyon namin.
5 days and 4 nights kong iniyakan at dinamdam ng husto ang pagkasawi ng relasyon namin, pero tama rin ang desisyon kong Palayain nalang siya at kusang Magparaya, yung pinakamamahal ko noon na siya rin pala ang gagawa ng paraan para magtampo at damdamin ko siya.
Now, It's been 6 months ago pero yung sakit, andito parin, naka move on na ko pero parang na trauma yung puso ko, palagi kaming nagkikita sa school pero minsan lang kami magpansinan, sa tuwing nakikita ko siya, may sakit pero napapalitan ng saya dahil pag nakikita ko siya ay parang bumabalik ang diwa ko sa Araw na pinagtagpo kami, yung kilig, yung feelings, bumabalik, kung pelikula nga lang sana yung relasyon namin, gusto kong I-rewind at ibalik sa umpisa ang lahat ng best memories na ginawa namin.
Now, I'm 6 months single, study first and now dahil nga bakasyon, mas magandang ilaan ko ang time sa pagiging writer. Hanggang dito nalang, Maraming Salamat.