Third year college ako nung nakilala kita. That time ay nagluluksa ako sa pagkawala ni Nanay. Tapos hindi ko alam kung paano pa mag-move forward at mag-go sa studies ko kasi wala na Nanay ko which is siya ang no. 1 supporter ko at nag-iisang tao na naniniwala sa kakayanan ko.
So ayun na nga, nagtanong ka kung may isa akong tanong kay God, ano 'yun at bakit? So sinagot ko is bakit niya kinuha si Nanay? Then I said, hindi ko kayang wala siya at wala akong gana na mag-aral pa kasi wala na siya. Pero sinagot mo ako ng 'everything happens for a reason'. Na kaya ko, na you believed in me. Those last four words are words na hinihintay kong marinig sa mga kaibigan ko't mga kapatid ko.
So ayun nga, na-motivate ako mag-aral. Tapos naging crush ka ng kaibigan ko. Sabi ko bakit? Sabi niya basta crush ka raw niya. Kaya habang nagsasalita ka tinititigan kita kasi bakit ka niya crush? So ayun nga natagpuan ko na lang ung sarili ko na natutulala na pala ako sa mga ngiti mo hahaha corny amp.
Pero totoo hahaha quiz bee nun sa history hahaha as in tulaley na ko wala na akong masagot hahaha hanggang sa paglabas ng room sinusundan kita kasi inaakit ako ng pabango mo haha.
So ito na nga, ga-graduate na ko. And I'm saying this today. 23 months nang patay si Nanay. I'm saying this kasi nahulog na ko sayo. As in hulog, gusto ko umahon kaso wala akong makapitan. Nakakatuwa kasing nahulog ako sayo na wala ka namang ginagawa ng move pero kusa akong nama-magnet sayo. Sabi nila umamin na ko. Mag-wave na ko sayo hahaha kaso ang hirap e. Ang hirap mahulog sayo SIR. Tapos ang dami pang nagkakagusto sayo na alam kong maiiwan sa campus kasi ga-graduate na 'ko.
Ang sakit isipin na hindi na kita makikitang nakangiti habang nagdi-discuss. Kung paano mo ipaglaban ang opinion mo. Kung paano ko kinabisado ang articles ng 1987 Constitution para lang mapansin mo. Pero ano magagawa ko haha ung nagkakagusto sayo maganda, e ako??? Hahaha taga-tago lang naman ako ng nararamdaman e wala akong lakas ng loob.
Pero Sir I do really like you. I really am. Na yung ibang faculty alam na bet kita hahaha pero baka alam mo naman kaso sadyang wala ka lang talagang pakialam hahaha kahit ganun I'm still praying for you. Pursue mo po ung dream mo to become a lawyer. Fit na fit ka po doon Sir. Alam kong may mabuti ka pong puso. Sadyang wala lang akong space dyan hahahahha I'm not good sa pag-confess pero nakakagaan ng loob.
Nice article po, happy earnings po satin, comment nadin po kayo guys pra magka points din po kayo..