Yugto ng nakaraang kaysarap balikan
Bawat emosyo'y nagbigay kasiyahan
Mga karanasang di malilimutan
Nagbigay ng kulay sa munting paaralan
Naaalala nyo pa bang mga kalokohan?
At humahagikgik na mga tawanan
Walang katapusang mga kuwentuhan
Pagsusuyuan at paglalambingan
Naaalala nyo pa ba ang Hall na tambayan?
Ultrang ginawang mundo ng tuksuhan
Oval na siyang naging diretsuhan
Pati na rin ilalim nitong santulan
Naaalala nyo pa ba pagpasok sa kantina?
Gitarang dala'y pinatunog ng tuluyan
Mga magkakatropa'y nagsipagkantahan
At pati lamesa'y ginawang upuan
Naaalala nyo pa ba library ng karunungan?
Na ginawang palengke sa lakas ng daldalan
Na sa araw-araw ay pinupuntahan
Nang walang mapagtapuna'y ginawang basurahan
Naaalala nyo pa ba mga party na nagdaan?
Sa gitna ng dilim nagsipagsayawan
Sa tabi tabi'y mayroong naghalikan
At mayroong tahimik lang naman
Hulaan ninyo kung sinong mga to
Kung inyong naaalala'y sabihin na ninyo
Kung sino ka ma'y wag mong ikahiya to
Ipagmalaki mo't naging ala-ala ko
Sino ba itong dahil lang sa tuksuhan?
Napagkatuwaan ng mga kasamahan
Sa isang babaeng lumabas sa pintuan
Hayu't hanggang ngayo'y hulog kalooban
Sino ba itong nakikipagbatuhan?
Hayu't binato sapul sa bumbunan
Umikot pang bato at huminto ng tuluyan
Hinipo ang ulo siya pala'y duguan
Sino ba itong nakabasag ng salamin?
Dahil sa katuwaa'y di niya napansin
Bola ng volleyball naisipang gamitin
Takot sa utak ay naglalambitin
Sino ba itong palaka ang dahilan?
Sa sobrang katuwaan sila'y nagpustahan
Hawakan mo't nandoon sa likuran
Na biglang nauwi sa isang iyakan
Sino ba itong may dalang patalim?
Kabuuan ng muka'y sinakop ng dilim
Nagmistulang toro,mata'y nanlalalim
Balak yatang isaksak sa taong mapaniim
Sino ba itong nakipagtalo sa guro?
Dahil lamang ito sa experimento
Pinilit ang kanya't napaiyak ang nagturo
Sino ba talaga ang mas tama dito?
Sino ba itong matigas ang bungo?
Sakit ng ulo sa loob ng kwarto
Bunganga nito'y walang lubay sa pagpunto
Buhok ng guro'y mauuban ng totoo
Secondaryang ito'y tuluyang natapos
Pinarangalan ang nagsipagtapos
Luha sa mata'y muling nanagos
Magkakahiwalay na talaga ng lubos
Sa ilang panaho'y humalik sa lupa
Mga napariwara sa mga katropa
Kinabukasan nila'y daig pang sinumpa
Pagnanais nila'y kinulong sa dampa
Sa mga matitino,pag-aaral ay seryoso
Modernisasyo'y magiging kasosyo
Upang maabot kaibuturan ng mundo
Maiangat sarili sa harap ng tao
Ako'y natatawa pag ito'y naalala
Guhit ng kahapon sa likod ng tela
Ganitong gunita'y hindi mawawala
Hangga't nabubuhay aking kaluluwa