Ala'y ko sayo

0 4
Avatar for benben013
3 years ago

Maraming ala-ala ang paskong lumipas
Natatandaan ko pa pag-ibig na wagas
Sa isang dalagang katulad ng hiyas
Walang makapara at likas na likas

Salamat sa bagay na iyong ibinigay
Na siyang iningatan mawalan man ng buhay
Naaalala ko pa ng tayo'y maghiwalay
Walang magawa't nagsimulang magnilay

Sa tagal ng panahon katauha'y nakulong
Nang biglang may boses na bubulong-bulong
Ako'y di nakatiis at biglang nagtanong
Nangilid ang luha sa mata'y bumalong

Puso ko'y nangusap,sumiklab ang init
Nabuhay ang loob na nooy piniit
Sumikdo ang dugo at muling nagnitngit
Kalooban kong ito na puno ng hinakit

Simula ngayong araw ika'y nasa isip
Sa imahinasyong di halos malirip
Pagtingin sa buwan ay biglang sumilip
Na wari'y damdaming inip na inip

1
$ 0.00

Comments