Logical Investigation I

1 20
Avatar for bchhodlercutie
3 years ago

BASEMENT

Time: 10:42 pm

Date: June 6, 2017

Dreak's POV

"Napaka epal talaga nito ni Dreak," reklamo ni Nape nang kunin ko ang papel na pinagkaka abalahan niya.

"Of course! Kanina pa kaya kita tinatawag! Hindi ka naman lumilingon. Tumayo ka diyan! Tawag tayo ni Braince," sabi ko at hinagis pa ang papel sakaniya.

"K, k. Susunod ako--"

"Tara na!" pagputol ko sa sasabihin niya at agad na siya'ng hinila papunta sa office ni Head.

Ako pa ang nagbukas ng pintuan dahil gwapo ako.

"Pinapatawag lang kayo, halos abutin kayo ng isa'ng minuto. Mahalaga ang bawat segundo, upo!" naiinis na sabi ni Head.

Haha! Bwisit na siya! Natanaw ko si Braince na pirmi'ng nakaupo. Umupo na din kami sa tabi niya pero kataka-taka na wala si Kanivier.

"Si Kanivier?" tanong ni Nape kay Braince.

Actually, si Kanivier lang ang tinuturing naming panganay dahil siya lang ang ganap na panganay, wala ng iba! Haha. Ang gwapo ko talaga.

"On the way" simple'ng sagot nito.

Hindi ko alam kung hindi ba natutuyo ang lalamunan nila dahil sa sobra'ng tahimik. Tahinnik 'to si Braince kaso lang, si Kanivier naman! Para'ng wala ng sasabihin! Nagtitipid ng laway! Hindi gaya nito'ng bakla'ng 'to. Napaka gwapo ko ba naman. Pero atleast, sa mga cases, kaya nila'ng magpahaba ng salita.

"Hintayin na lang natin na dumating si Kanivier at magsisimula na tayo," sabi ni Head at inayos pa ang mga papeles sa lamesa niya.

Sumang-ayon na lang kami at hinintay si Kanivier.

Makalipas ang lima'ng minuto ay dumating na si Kanivier na wala'ng ka emosyon-emosyon sa mukha. Napaupo na kami ng tuwid dahil sa pagdating niya. Umupo siya sa tapat ni Braince.

"Go," utos nito.

"Gusto ko lang naman sabihin na, mag ta-transfer kayo sa isa'ng school," sabi ni Head kaya nagulat kami'ng dalawa ni Nape. 'Yung dalawa kasi ay kalma lang.

"Then?" tanong ni Braince.

"Maninirahan kayo ng normal lang," sabi nito kaya napakunot ang noo namin.

"Normal naman kami Head oh?! Wala naman kami'ng special powers," sabi ni Nape kaya sumang-ayon ako.

"What I mean is, 'yung wala muna kayo'ng case na mga i-so-solve, alam ko'ng masyado na kayo'ng napapagod," sabi ni Head. Lalo pang napakunot noo ko.

"Luh? Head. Eh ano bang ginagawa namin? Trabaho sa trabaho. Puro lang naman kami imbestiga ah? What's wrong with it? Bukod sa napaka pogi ko at--" pinutol agad ako ni Kanivier. Ano ba lyan! Epal!

"Ayos na ba lahat?" tanong nito.

"Oo. Bukas na bukas ay papasok na kayo, sana lang ay wala'ng mall doon," sabi ni Head.

"Alam ko'ng may iba ka pang dahilan, tell us," sabi ko. Alam ko'ng nagsisinungaling si Head. Para saan pa ba ang kapogian at ang talent ko?

"Sabi na ba. Okay, marami'ng nagaganap na patayan doon. At hindi pa rin nalalaman ng mga pulls kung sino ang gumagawa no'n. I think they need the four of you," sabi ni Head. Sabi na ba eh!

"K," sabi ni Kanivier at lumabas na ng office.

"Minsan talaga bastos si Kanivier--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pumasok si Kanivier.

Napatakip ako sa bibig ko, ang daldal ko! Kinuha lang niya ang libro niya sa upuan. Bago pa umalis 'to ay sinamaan muna ako ng tingin kaya namutla ako.

"Nag jo-joke lang naman eh," bulong ko at muli'ng bumaling kila Nape.

"Handa na ba talaga lahat? Such as uniforms? May mga dorm ba?" tanong ni Nape.

"Yeah, handa na nga ang lahat diba? Ang kailangan niyo lang gawin, is to solve the cases," sabi ni Head.

"Look, Head. Police doesn't know who we are. Alam mo namang Ilan lamang ang nakakakilala saamin diba?" sabi ko.

"Yeah. Kaya nga gumawa kayo ng paraan. Kapag mali ang imbestigasyon ng mga pulls at alam niyo na, kahit ipaglantaran niyo pa sa mga mukha ng mga estyudante at sa mga pulls, just be careful," sabi ni Head.

"Our identity," sabi ni Braince.

"Yeah. Malay niyo diba? Matakot ang iba pang mga suspects kung malaman nila na kaya niyo'ng lutasin ang mga kaso," sabi ni Head. Napailing naman ako.

"Alam mo Head? Kung hindi ka lang talaga pulls? Na isip ko na, na traydor ka," sabi ko. Tumawa naman ito at umiling saakin.

"Gusto ko lang matigil ang kaso sa school na 'yon. Marangal pa naman ang alam ng iba. Pamangkin ko din ang napasok doon. Hindi naman mapaalis ang iba dahil maganda talaga doon," sabi nito at bumunto'ng hininga pa.

1
$ 0.00
Avatar for bchhodlercutie
3 years ago

Comments

💛

$ 0.00
3 years ago