Diwa ko'y gising pa Mata ko'y dilat na dilat pa Antok sakin ay ayaw pang dumapo Di naman ito paru-paro Siguro dahil sa tuwa ko Ng masilayan muli ang pambihirang ganda Na tila ba ay nakapagkit na sa aking isip At ang puso ko ay umaawit. Salamat Panginoon ko Na kahit ang mundo ay di kalmado Ang banayad na agos ng dagat At ang tila ba pinintahang langit Ay patuloy mo pa din sa amin ay pinapadanas Na para bang nagsasabi Wag kang mabahala, sagot kita!
1 comment
Superb! Bilib talaga ako sa mga sunset shots mo saka nadin captions.