Alas tres pa lang kanina kami ay gising na Ang lakas ng hangin at kalampag mula yata sa bubungan na Pagtingin sa labas ang mga puno ay halos magtumbahan na Ang bagsik ni Marina ay ngayon pa lang tumama Tumawag si kapatid, ayon lubog na daw kotse nya pati 1st floor ng bahay nila At ngayon ay brownout pa. Sana Lord, lakas ng hangin at ulan ay tumila na At nang wala ng iba pang mapinsala Dahil kung ito ay tumagal, mga palay na malapit ng maani ay baka masira pa Kaya mga kababayan, ingat po tayong lahat At patuloy tayong magdasal para tayo ay iligtas.
4 comments
Ito ay kakila-kilabot at kahanga-hangang Sis! Ingatan mo ang iyong sarili, sana ligtas ka at ang iyong pamilya !! Ipinagdarasal ko kayo!
Thank you dear sis
Kawawa talaga ngayon yung mga palay nakahiga na yung iba. Stay safe and warm.
May God Bless you all ingat kayo jan sis