Isa na namang umaga kayganda Subalit may nasagap akong balita Na may lindol na namang nagbabanta Takot ko ay di mawala-wala Para sa anak ko at sa aking pamilya Dahil sino ba ang matutuwa Sa ganitong klaseng balita Pero ika nga, ganun talaga Kahit gano ka kahanda Kung oras mo, oras mo na Kung yun talaga ang nakatakda Wala tayong magagawa Kaya imbes na matakot at mangamba Magdasal at buong pusong ibigay ang ating tiwala sa Poong lumikha Sa Kanya lang, wala ng iba pa. Kaya wag ng mabahala Takot na yan ay ishake-shake na Smile na Ayan, di ba mas maganda!
3 comments
Ingat po kayo diyan sis samin last week din lakas din ng lindol samin.Pray nga lang talaga magagawa natin sana safe ang lahat...
Sana naman wala na. Ingat bhe.
Too nice flowers, great picture