Isang araw na naman ang matatapos Ang linyahan ko pa din ay kapos Parang boses na namaos Dahil sa pilit na pagkanta ng maayos Pero itong gandang aking nasilayan Sa baybayin sa kanluran Na kahit na may konting ulan Ito pa din ay aking inabangan Di naman nasayang Aking pagtakbo ng mabilisan Dahil kahit ang ulap ay may kakapalan Di nagpadaig ang ganda ng kalangitan Parang ang ganda mo lang kaibigan Dumating man mga delubyo o pagsubok na yan Isang ngiti mo lang Sure na taob mga yan. Naku, sensya na sa gulo ng usapan Antok na ang diwa ko talaga kaibigan Gusto ko lang ishare iyong sunset na aking napicturan:)
3 comments
what a lovely view, mate. Sobranggg gandaa
Until the end patula kong binasa ang caption mo sis because of it's rhyme haha. Tunay ngang masarap pagmasdan.
Amazing ,the sunset I Guess.