read.cash Log in
@bbghitte

Mga kaingay, familiar ba kayo sa halaman na kung tawagin ay miracle fruit o calabash? May nadiskubre kasi ang kapitbahay ko nung minsang naghugas sya ng kanilang frying pan. Ginamit nya ang pinagpigaan nung prutas at ayun, sumama ang mga oil sa kanilang lutuan! Kaya nung ako naman ay nabigyan ng bunga, after ko ipiga at itabi ang naipong juice nito, iyon din ay aking sinubukan, at wow, pambihira! Talaga namang walang kuskos na matagal para matanggal ang mantika at mga dumikit sa pan. Sabi tuloy ng ate ko, miracle nga talaga kasi kung ang oil sa pan eh nasasama, malamang ganun din ang nagagawa ng juice nito sa ating katawan. Wala naman mawawala kung ating susubukan di ba? Kaso itong halaman ko ang liit pa at matatagalan pa bago mamunga kaya hingi muna ako sa kapitbahay tutal madaming bunga yung tanim nila🙂

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.