read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Matuto tayo!

*Ang mundo ay magulo* *Puro sakit ng ulo* *Ang tao ay di natututo* *Kalat doon, kalat dito.* *Ikaw kaibigan ko* *Isa ka ba dito?* *Di lang kalat na literal ang tukoy ko* *Isa ka ba pasaway at magulo?* *Pinapasakit mo ba ulo ng magulang mo?* *Pinagsasabihan ka pero ang tigas ng puso mo* *Umiiyak ka nga pero di naman tagos sa puso* *Humihikbi ka nga pero di ka naman nagbabago* *Nagsosorry ka pa nga* *Pero bukas makalawa, balik ka na naman sa iyong ginagawa.* *O isa tayo sa ganito* *Ayaw matsismis ng kapitbahay* *Pero ikaw naman ang pasimuno minsan* *Galit na galit ka pa nga* *Di mo naalala ito din ang iyong gawa.* *Baka naman tiga-tulak or gumagamit ka ng droga* *Kita mo na ngang madami kang nasisira* *Sige ka pa din, natuto ka ng dumedma* *Kahit anong saway sayo bukas na ang iyong mata at tenga.* *Ikaw ba si batugan?* *Tanghali na tulog ka pa* *Ni magluto ng pagkain ng pamilya di mo magawa* *At kung gumastos aba'y bongga* *Di alintana puyat at pagod ng iyong asawa* *Basta mabili lang luho mong sobra-sobra.* *Ang panahon di na din maintindihan* *Mainit ngayon maya ulan naman* *Kaya mabilis magkasakit ang sinuman* *Dati pag pasko sobrang lamig na nyan* *Ilang patong ng jacket lamig ay di masumpungan* *Pero ngayon halos di na magamit ang jacket na tagal mong pinag-ipunan.* *Madami ng pagbabago* *Madaming gusto mabago* *Pero di naman tayo natututo* *O baka ayaw lang talaga natin ng ganito* *Alam natin ang totoo* *Pero nagbubulag-bulagan tayo* *Nagiging bingi ang ating mga puso* *Mas matigas na parang bato.* *Di ko alam kung papano* *Di naman ako eksperto* *Madami akong gusto* *Andaming tanong, madaming pero* *Dahil ang totoo tao lang tayo* *Mahirap maging perpekto* *Yan ang totoo* *Pero sana wag tayong mahiyang maging mabuting tao* *Magmahalan tayo ng bukal sa puso* *Tumulong, magbigay, makinig, matuto* *Ibalik natin ang sigla at ganda ng mundo* *Piliin natin ang tama at ikalulugod ng Poong Lumikha sa akin at sa iyo.* ...^•°... Salamat sa pagbabasa at God bless! ~bbghitte Lead image is mine. #originalcontent #readcash #noisecash

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.