read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Ang Sili at ang Covid Noong isang Linggo Inaya kami ng lola ko Dalawin daw namin sila sa bukid At tignan ang pananim nilang sili Hitik na daw kasi at anlalaki na daw ng bunga Pinagbigyan ko nga Sinama ko pa ang aking anak at aking asawa Totoo nga, nakakatuwa Isang puno ng sili ay punong-puno ng bunga

Tinuruan ko na din si Yuri pano ang tamang pagpitas ng bunga Dapat kasama ang tangkay at di lang basta hablutin na lang sa sanga Enjoy na enjoy naman ang bata Pati syempre ang isip bata (di na nakuhaan ng camera)

Ang sarap ng mamitas Nakadami kami kasi hinog na din talaga ang iba Nakakalungkot lang dahil ang mura pala ng sili ngayon Nasa kinse lang daw per kilo Lugi pa sa puhunan, pagod at oras na binuhos ng tito ko Di gaya nung nakaraang taon biglang boom ang presyo Na yung ibang farmers na nagtanim daw ay nakaswerte Nakapaayos ng bahay, nakabili pa ng kotse Kaya itong si tito ay naengganyo Imbes na talong o mais Sili naman ang kanyang sinubukan Yun nga lang, ang pagtatanim ay isa din talagang sugal Minsan panalo, minsan talo Pero sana sa mga bagay nà ganito Mapansin ng ating gobyerno Dahil andaming pawis ang binubuhos ng ating mga magsasaka Pero di nabibigyan ng tamang atensyon sila Imbes na tumubo ay lugi pa sila Kaya yung iba, imbes na magsaka Binebenta na lang nila ang kanilang mga lupa O di naman kaya sumusubok ng mangibang bansa Dahil sa abroad, malaki ang kita ng mga magsasaka. ...^•°... New year na new year Pumutok din ang balita ni omicron, ibang variant ni covid Sobrang lumubo na ang mga alert levels ay tinaas na din ulit At pati mga travel protocols ay ito na lalong pinahigpit Kapatid kong nasa Saudi, tinamaan na din Awa ng Diyos, maayos na ang lagay nya at sipon na lang daw ang meron sya ngayon Gf ni bunso, ayun positive din Kaya di tuloy muna sya samin ay makabisita Pero maayos na din sya, di naman daw malala Kailangan lang makasiguro na negative ulit ang antigen Bago sya dito ay makapunta Dahil may apat kami na batang kasama at may isang senior pa Mabuti ng maging safe di ba. ...^•°... Sa iba ang pasok ng 2022 ay di man maganda Pero kapit lang, tiwala lang Dahil si Lord ay di tayo kailanman papabayaan at iiwan Patuloy Niya tayong gagabayan, kakalingain at sasamahan Wag lang tayong mawalan ng pag-asa kaibigan Madami pa ding blessings ang dumarating Dun tayo magfocus, maayos din ang lahat Tiyak yan, sigurado ako dyan Dahil si Lord ang ating ultimate na healer, provider at mahal na mahal Niya tayo higit pa sa ating nalalaman. ...^•°... Salamat sa pagbabasa sa aking unang artikulo ngayong taon Sana ay di kayo nabagot😁. All images are mine. #originalcontent

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.