Si Laika at Si Laila Meron akong kambal na kakilala Sila Laika at Laila Sampong taon na sila Ang gaganda nilang mga bata Magkamukhang-magkamukha Para talagang pinagbiyak na bunga Paborito sila ng kanilang ama Subalit sa ugali ang laki ng pagkakaiba Si Laika, ang bait-bait nya Sobrang sipag pa Sya ay laging maasahan ng pamilya Marunong maglaba, magsaing, at iba pa Nang minsang magkasakit ang ina Sya ang nag-alaga, walang reklamo At talaga namang may kusa. Kabaligtaran nya sobra itong si Laila Makulit, tuso, pilosopo Lagi lang gusto nakaupo Ang isip ay laging nag-iisip Ng kung ano-anong kalokohan Sya ang numero unong sakit ng ulo Di lang ng ina kundi ang pamilya nito Laging napapatawag sa school ang ina Dahil tinago ang sapatos ng kaklase Doon sa kabilang classroom O di kaya naman, pinatay ang fuse ng buong school Naku po, sa kalokohan talaga sya ang number uno Ayaw nya tumulong sa mga gawaing bahay Dahil balak nya daw maging Miss Universe balang araw Kailangan nya daw maprotektahan ang kulay, ang balat at ang lambot ng kamay Kaya pag may gawaing bahay Pinapasa nya agad ito sa kanyang kakambal. Magkasundo naman sila sa ibang mga bahay Sa style ng pananamit, sa buhok Kaya pag sila ay umaalis mahirap talaga makilala kung alin dun si Laika at si Laila Sa kalituhan lalo na sa kanilang paaralan Sinabihan sila ni Ma'am Gumawa sila ng paraan para mabilis silang matandaan Kaya naman kinabukasan Laging gulat ng mga kaklase at ni Ma'am Si Laika ay meron ng bangs! Samantalang si Laila ay nagpagupit ng maiksi naman. Minsang tinanong si Laika Maging Miss Universe ay pangarap din ba nya? Ang sagot niya, hindi po Tita Di ako mahilig sa make-up o anumang kolorete sa mukha Ako na lang hahawak sa gown ni Laila🙂. ...^•^... Salamat sa pagbabasa, ako ay balik tulog na muna Dahil 3:55 pa lang pala ng umaga. ...^•°... Lead image is from Unsplash. #originalcontent #bbghitte
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet