read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Ang hirap! Ang hirap! Talaga naman napakabigat na salita Maaring mahirap magsulat, magmemorize, kumita, mag-aral, ang life, sa pera, sa trabaho at madami pang iba Pero ang mas mahirap alam na nga nating mahirap lalo pa nating dinidibdib Lalo pa nating pinapabigat Na tila ba ayaw nating iahon ang sarili natin sa pagkakasadlak Parang si ano, sabi nya andaming work halos di na sya makatayo Pano ba naman lahat inaako Kahit masakit na ang likod, paa'y puro kalyo Hala sige pa din, feeling nya isa syang superhero Sabay pagsapit ng gabi ayon puro na reklamo O di kaya parang si isang kakilala ko Paubos na nga ang pera Ayon sige pa din, arya ng arya Pag dumaan si aleng maghuhueteng Yung natitira nyang sampong piso Itinaya pa kamo! Umaasang swertehin at manalo Imbes na ipinambili na sana ng biscuit eh di nabusog pa sana tyan ni bunso O si pareng kwan naman Gusto daw makatulong sa misis Pero di naman nakilos Nakahilata maghapon Ni basura nila di magawang itapon Pag tinanong mo bakit di sya magtrabaho Sabihin pa, gusto nya daw kaso nag-iisip pa kung ano Halaa sya! Imbes na tumayo, kumilos at maghanap ng pagkakakitaan Naubos oras kakaisip ng wala naman palang kasiguruhan Ang malala pagcheck mo sa cellphone Puro games naman ang laman! Minsan talaga tayong mga tao Tayo din gumagawa ng ating sakit ng ulo May taong sobrang sipag na halos lahat ay inaakong gawin kahit di naman na kailangan Kung tutuusin ay mabuti naman ang ganun Kaso wag mo sagarin ang lakas mo Na pati pagngiti ay di na masilayan sa mukha mo Mas mahirap magkasakit lalo sa panahong ito Ang 'ANG HIRAP' ay di naman talaga mahirap at mabigat kaibigan Nasa pagdadala lang natin at kung pano natin ito tignan sa positibong paraan Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang dalahin Pero kung kaya naman balikan yung iba at unahin ang mas urgent ba O kaya naman baka yung iba naman na akala mo pabigat ay di mo naman pala talaga problema o kaya pasuyo lang ba Eh di iwan mo muna Balikan mo na lang pag may oras pa Wag mo pagsabay-sabayin kasi talagang babagsak ka Mahahapo ka, mapapagod ka Pahinga din, hinga din, kalmahan mo din Wag mo ipilit dumilat pa at kumilos kung ang mata mo ay babagsak na Wag mo ng labanan pa Pagbigyan mo ang daing ng katawan mo. Pero kung ikaw naman ay gaya nung isa Ang problema nya lang ay ang ipapasok sa bibig nya Kung may data pa ba sya o wala Ni kumuha ng sariling pagkain ay di pa magawa Na pag umasta ay pagod na pagod pa sya Ay 'ANG HIRAP' kasama ang ganyan Sarap dagukan at iwan! Ang hirap ng buhay ay parte na talaga sa life Di naman talaga natin ito matatakasan at matakbuhan Kaya tignan natin, ayusin natin, pag-isipan natin Sa dami ng problema sa mundo ngayon, covid, giyera, pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang bilihin Wag na nating isama sa ating isipin bakit sila tumataas yung height ko hindi pa😁. O sya, hanggang dito na lang Dahil 'ANG HIRAP' ng panindigan Ang topic na aking naumpisahan Kaya hanggang dito na lang muna mga kaibigan🙂. ...^•°... Salamat! Lead image is mine. #originalcontent #bbghitte

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.