'Karton' May isang bata Mahilig syang manood Mahilig din magbasa Kaya pag pinagsama Naku po, talaga namang pambihira Dahil kapag ginusto Di mo na matatanggihan talaga Gaya nitong karton Ipapamigay na sana Kaso kanyang hinarang bigla May paggagamitan daw sya Ako ay nagtaka Ano yun kaya? Kinausap na pala nya ang kanyang ama Gawin daw nilang food truck Para sa pinsan at sa kanya Kaya ang ama ay walang nagawa Namili ng gamit at inumpisahan ora-orada Di alintana pagod at pangangalay ng kanyang paa Lalo nung makita Galak at excitement ng mga bata Di pa nga tapos ay eto nilaro na nila Kahit wala pang gulong o anumang dekorasyon Pero dahil gabi na Sa wakas ay napagod din sila At malamang bukas ng umaga Ay balik laro ulit sila. Ikaw kaibigan, May kwentong karton ka din ba?
2 comments
Hi Ghitte. Alam mo nb yung about sa noise.app? Nandoon na kmi.
Hala Ng cute naman ng bahay bahay nila sis😍