Nagbago na Siya Musta aking mga kaibigan Madalang na naman ako magsulat Wala kasi akong topic na mahagilap Kaya ako ay nangapitbahay kanina Nagbakasali na may ma-marites ba Ayun, ako ay tumama Dahil habang ang anak ko ay busy makipaglaro Ako naman ay nakasagap ng kwento Di kagandahan, malungkot at mapapatanong ka Bakit sya nagbago? Ito kasing aking tito at tita Umuwi mula sa Amerika Matagal-tagal din ang bakasyon nila 6 months din, mahaba-haba di ba? Nagtulong-tulong mga anak nya Para pamasahe ay mabuo nila Dahil may edad na sila Sa pension nila sila ay umaasa May anak sila dun sa Amerika Maayos naman sila Kaso lang tulad ng sa pelikula Meron talaga ding kontrabida At kahit nag-iisa, ay matindi at malakas talaga Ito ay ang asawa ng isang anak nila Dun sila nakatira dahil sa baby nila Nais nila makatulong at sila muna ang mag-alaga Noong una lalo nung bagong salta itong si manugang sa ibang bansa Mabait at marunong pang makisama Subalit noong nagkaroon ng sariling trabaho Nakapundar ng bahay, sasakyan at kung ano-ano Ayun, nagbago na pala si loko Minsan daw namalengke sila ng tita ko Bigla ba naman daw sinabi ganito 'Akala ko ba mayaman kayo?' Si tita ay nagulat, ano bang pinagsasabi nito Di nya daw pinansin Hanggang sa madalas na daw silang maliitin Na muntikan na syang suntukin ni tito Dahil sabi ba naman daw ay ganito 'Ako ang nagpapakain sa inyo dito!' Kaya umakyat ang dugo ni tito, kahit ayaw sana manumbat kaso sumusobra na ito Sagot nya daw, 'oo ikaw nga nagpapakain samin pero kung di dahil samin di ka naman makakarating dito!' Dahil sa galit ni tito, nagtayo sila ng maliit na tent sa labas ng bahay nila Mas mabuti pa daw na dun sila kaysa makabunggo at makita pagmumukha nya Tinitiis ang lamig at init Sinubukan silang papasukin ng anak nola pero sila ang nagmatigas dahil di nila kayang pakisamahan pa ang manugang nila Ang kawawa lalo ay ang bata Dahil pati sa kanila ay nilalayo sya Makita lang na lumapit ito ay agad-agad tinatawag ng pasigaw Na tila ba may sakit na nakakahawa ang mga matatanda Walang respeto na kahit sa harap ng asawa at hipag nito ay pinakita na ang totoong kulay nito Nakakaawa, ako ay naiyak sa narinig ko kaninang chika Di ko yun inakala Dahil dito ay nirerespeto sila Madaming nagmamahal sa kanila At di nila deserve ang ginawa ng manugang nila sa kanila Para ko na din kasing nanay itong si tita Dahil sya ang bff ng aking ina. Dasal ko ngayon ay sana maenjoy nila ang bakasyon nila Maibsan yung stress at kung anumang naramdaman nila Makapahinga sila ng mabuti at maging masaya Hipuin ni Lord ang puso ng manugang nila At marealize na may magulang din sya Na di nya kaya mabuhay ng mag-isa at manumbalik ang respeto sa kapwa At sana mabago ang ugali nya para maiwasang maging mitsa ng pagkasira ng relasyon nila. ...^•°... Salamat sa pagbabasa! Lead image is from Unsplash. #originalcontent #bbghitte
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Ay ang galing, nice yung oagkagawa at sana nga magbago na siya, kasi kawawa talaga mga bata
Oo nga sis, pero mukhang malala na eh