read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Kampanya at Ugali Nila Wala ako sa mood magsulat kanina Pero itong si Ate ko nag-marites pa! Kaninang umaga Dito, kami sa bahay ay todo handa Partidong aming susuportahan ay parating na May palobo, nagsuot ng kulay blue Pati nga almusal namin ay naisantabi Dahil itong si Ate, maya't-maya ang tawag Updated kung asan na sila Kaya naman kami ay naaaligaga Naghanda ng softdrinks at biscuits pa Para sa mga volunteers na nagutom na At pati na din mga kandidatong nakaramdam na ng gutom Pero habang papunta sila dito sa aming pwesto Dami ng ganap mga kaibigan ko Mga kapitbahay naming ang eleksyon ay sobrang isinasapuso! Aba'y mga nagsara daw ng gate, di namamansin ng politiko Ni kaway at pakikipagkamay ay di tinanggap ng mga ito! Bibigyan pa nga daw ng tshirt yung isang nanay Ang sagot ba naman daw ay ganito 'Naku, di ko isusuot yan!' Luh, anlala di ba? Nawala ang respeto! Ito naman si lola ko Competitive ng todo Pumunta pang palengke Bumili ng ibang biscuit At imbes na idagdag na lang sa mga inihanda namin tutal isang compound lang naman kami Eh dun pa mismo sa bahay nya Bida nya kasi pamangkin nya si Mayor😁 Nakakatuwa kasi si Mayor, ma-appreciate yung aming ginawa Nagpasalamat agad kanina dahil sa aming munting handa May isang lola, sumama pa sa kampanya At parang lumakas bigla Itong si lola ko naman kakaiba talaga Sinalubong nya ba naman at sinabihan sya 'Uy, bumalimbing ka na?' Sagot naman si lolang isa, oo bumalimbing na ko kasi nung nagkasakit anak ko sila naman nakatulong samin Ayun, smile na si lola😁 Akala ko, yun na ang highlight ng kampanya kanina May mas malala pa pala Dahil nung lumipat pala sa ibang area Itong si ate girl Na ex-barkada ni Ate Prinangka ba naman daw si Mayor na di sya ang iboboto nya Sabay sabi daw dun sa isang tatakbong konsehal 'Hoy ikaw kap, ayaw na ayaw ko sa'yo!' Hiyang-hiya nga daw yung mga sumama sa kampanya sa inasal nitong ni ate girl Kinain na ng sistema ang ugali nila Parang nilabas naman ni eleksyon ang tunay na kulay nila Bat ganun! Di ako maka-move on! Parang sa mga nangyayari sa national election Kaya ako naiinis na magbukas ng FB at IG kasi andaming magagaling Hirap makipagsabayan sa utak nila Na para bang ang perpekto nila Bira ng bira Para siraan ang ayaw nila at patuloy na iaangat yung gusto nila Ang sakit sa mata Parang naghahamon ng giyera Kung may martial law siguro sa online world Baka maipataw na! So ayon lang mga kaibigan Gusto ko lang talaga may mashare lang Ganyan din ba sa inyo? Mga kaibigan nyo ba'y biglang nagbago dahil sa politikong sinusuportahan mo? ...^•°... Lead image is from Unsplash. #originalcontent #bbghitte

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.