read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Si Maria

Kumusta mga kaibigan? Ngayon na lang ulit ako nakadalaw at nagkaroon ng pagkakataon na magbahagi ng isa na namang kwento Sa isang tao na itatago natin sa pangalang Maria. Si Maria ay kasambahay nila Keana Kapitbahay ito ng nanay nya doon sa bayang pinagmulan nya No read, no write si Maria Mahirap lang sila, nakatira sa isang barong-barong na tagpi-tagpi sa gilid ng kalsada Doon iniwa nya ang inang 90 taong gulang na Kasama ang dalawa nyang kapatid at tatlong pamangkin nya Di na halos makakita si nanay nya At sya ang dahilan bakit tinanggap noon ni Maria ang alok na maging kasambahay nila Noong una, maayos pa ang pakikitungo nila Dinala nga nila si Maria para ipaglaba at ipagluto sila Keana at kapatid nya habang sila ay nag-aaral pa At noong nakapagtapos, nagbalik sa probinsya at dito na nakahanap ng trabaho Dala-dala pa din nila si Maria At dito na nag-umpisa ang kalbaryo ng buhay nya Nagbago bigla ang pakikitungo sa kanya Higit pa sa kasambahay ang trato sa kanya Isang beses, nadurog ang puso ko noong pumunta sya sa bahay Sabi nya nahihilo ako bes at halatang maputla sya Kaya agad kong pinaupo at pinainom sya Bakit kako, anong nangyari sayo? 'Nahilo ako sa ulam ko Aba masarap siguro ito, biro ko Hindi bes, baka sa kinain ko 12 pirasong ulo ng hipon Ha? Dose piraso? Bakit ang dami? Yun kasi ang inabot sakin bes na ulam ko Luh, bes di ba may highblood ka? Bat mo kasi inubos yun? Sayang kasi bes tsaka tagal ko ng di nag-ulam ng hipon' Isang hapon habang nagmemerienda kami sa tindahan ng kapatid ko Bigla na lang nagmamadaling lumapit si Maria sa kapatid ni Keana Sabi, bes tignan mo nga yung kambing namatay na yata Tumakbo sila at pinuntahan yung kambing Ayon patay na nga at lumobo na ang tyan Di malaman kung ano ang dahilan Pero sabi ng bayaw ko baka daw may nakain na uod at yun ang ikinamatay Akala namin, ayos na kasi ang sabi naman sa kanya ng kapatid ni Keana Wala naman na silang magagawa kasi wala na at di na maibabalik o maisasalba pa At sinamahan pa nga nyang ilibing itong kambing na kawawa Pero laking gulat namin kinabukasan Si Maria ang tamlay at nung tinanong ni Nanay kung kumain na ba sya Ang sagot nya wala syang gana Pinagalitan daw sya at sinisisi bat namatay ang alaga Hay, kung alam lang nila ang hirap na Maria pumunta sa mga karatig na bukid para lang makahingi ng damo na ipapakain sa mga kambing Pati nga ulam nila minsan ay sya pa ang namumrublema na kung tutuusin ay dapat sa mga amo na nya Pati nga kape ni Maria ay sya pa ang nasagot kasi di naman pala nagstock ang amo nya Sa isa na namang pagkakataon, nagbuhat si Maria ng mineral water Eh nadulas sa kamay nya kasi may kabigatan naman talaga lalo at puno pa ito Nabasag tuloy ang galon Aba, pinapabayaran ba naman daw sa kanya Kaya ang kawawang Maria ay nakihiram muna sa tindahan para lang may kapalitan ang galon nila At nitong nakaraan lang, nalaman nya na ang pinangakong SSS na sabi hinuhulugan buwan-buwan mula pa noong sya ay namasukan ay di naman pala totoo Na ni isang buwan ay di man lang nahulugan ito Yun pa naman ang inaasahan ni Maria, Na pagdating ng ika-60 nya kahit pano magkakapension sya Pero ang masaklap nung pinacheck nya sa kakilala Nalaman nyang wala pala ni isang pisong duling sana. 58 na taon na si Maria At may mga iniinda na sa katawan nya Pinipilit lang lumaban para may maiabot ma sustento sa nanay nya Pero sa nangyayari sa kanya Sobrang abuso na kasi mga amo nya At sa madaming pagkakataon na magpapaalam sya na magbakasyon at makasama ang kanyang pamilya Laging sabon at panunumbat pa ang ipapabaon ng mga amo nya sa kanya. Di ko alam pano sya tutulungan Dahil ilang beses na namin syang pinagsabihan Ihahatid na nga namin sya sa bahay nila pumayag lang sya Pero ayaw kasi nya, iniisip nya ang Nanay nya Ang pamilya nyang umaasa sa kanya. Ibang klaseng tatag at lakas ni Maria Mas malakas pa yata sya kay Hidilyn Diaz Pano nya lunukin ang trato sa kanya Dahil kung ako yun baka nilayasan ko na sila At baka pinabaranggay ko pa Di na tama, di na makatao Pero alam ko lahat ng ito ay may hangganan Matatapos din ang paghihirap ni Maria Makakatakas din sya sa hawlang kinasasadlakan nya Dahil ang Diyos ang kinakapitan nya😊 Hanggang dito na lang ulit mga kaibigan Sana kayo ay may natutunan. Salamat at magandang gabi. Lead image is from Unsplash. #originalcontent

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.