read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Si Yaya

Natatawa ako sa aking kapitbahay na mag-asawa Panay sila reklamo na pagod na pagod na Pano ba naman kasi mga labada iniipon muna nila Eh tatlo lang naman sila sa pamilya Pwede naman pagkaligo eh kusutin na nila di ba Pero may dahilan kasi sila Yung kuya kasi nila eh lagi daw naninita na mabilis maubos ang sabong panglaba Ang problema kasi sobrang higpit naman nila sa pera Halos ayaw nila maglabas pag para sa buong pamilya Gusto sa kanila lang, pati nga pagbili ng tubig eh ipapalista pa at babayaran ni kuya Si kuya kasi ang tigahawak ng pang-gastos nila bukod sa allowance nilang mag-asawa Oh di ba naguluhan ka? Pero balik tayo Bat sila nagrereklamo na pagod na Pano ba naman kasi umuwi muna yaya nila May importante kasing inayos sa kanila Nung andito kasi yun, don at donya sila Pagkagising, kakain na lang sila Ni magligpit nga ng pinagkainan di pa nila magawa Tapos yung ulam nila, si yaya ang namumroblema Nakakarating sa malayo maghanap lang ng saluyot, malunggay at iba pa Para maihain sa hapag nila. Si yaya, nagigising ng maaga Alas kwatro y media pa lang nagwawalis na Pagdating ng alas singko nagluluto na ng almusal para paglabas ni haring araw pagpapastol ng kambing na ang kanyang aatupagin Pagtapos ay sabay silang mag-aalmusal sa lolang kanya ding binabantayan Mabilis kumilos si yaya Kahit sabihing grade 3 lang tinapos nya Lahat kanyang kinakaya, pati nga galit ng mga amo nya Na kahit yata oras ng siesta eh ayaw pang ibalato sa kanya. Kaya ngayon Si yaya nakabakasyon Ramdam na ramdam nila ang kawalan nito Pero ang dasal ko Sana marealize nila na sobra-sobra ang pinapagawa nila para sa isang tao Na sana matuto silang pahalagahan ang kanyang serbisyo At makita nila ang worth nito. ...^•°... O sya, tatapusin ko na ito Nauubos na Tagalog words ko Ipon muna ulit ako🙂 Lead image is mine. #originalcontent

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.