read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Smile ka na

Balik Tagalog na muna Dahil isip ko ay di makapag-umpisa Sa kung anong aking magiging topic ba Di naman sa dami ng problema Kasi sa totoo lang madami naman sila Ayoko lang pansinin kasi nakakalula At sabi ng aking nabasa habang binibilang mo daw sila Lalo pang dodoble ang bilang nila Kaya hayaan ko na lang, mapagod din sila At baka sa'yo na nagbabasa mapunta Oppsss, wag naman sana😁. Pero kung tutuusin Ang mga problema ay lagi naman nandyan Di nya tayo iniiwan Sinasamahan pa nga tayo Di para tayo ay pahirapan Kundi para tayo ay tulungan Iahon sa kahirapan Mapush ang ating mga kakayanan At ilabas ang ating tapang na di pa natin nasusubukan. Pero may ibang tao na talagang marupok Onting problema, naghihimutok Gigil pa nga at akala mo sobrang lugmok Yun pala nakagat lang ng lamok😁 O kaya di naambunan ni bot (oopsssy!) Pero alam mo si Lord iba din talaga kumilos Sinong makapagsasabi na ang price ni pancake eh bababa after ko magharvest Buti na lang ginamit nya si sis @leejhen para sabihan ako Na baka kung di nya ko na-buzz nung nakaraan ay di ko pa maisipang i-out ang aking kaperahan Pero ayun na nga Naenjoy ko na ang aking kinita. Kaya ikaw kaibigan Wag ka na sad dyan Smile ka na kasi ang ganda mo ay sayang naman Ipakita ang ngipin habang kumpleto pa😁 At tawanan na lang ating mga problema. Tignan mo ang langit, di ba ang ganda-ganda Punong-puno ng bituin na animo kumikindat-kindat pa Dasal lang katapat nyan Gusto ko nga palang ipaalala sa'yo Si Lord at di natutulog Alam na alam nya kung saan tayo susunod na tatalbog At alam nya kung saan tayo mananalo Kapit lang, tiwala lang Sa hirap at ginhawa, lungkot at saya Pagod at pahinga Alam Niya, kontrolado nya Kaya kaibigan, smile ka na!

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.