read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Ang mga hilig ko

Kung ako ay ikumpara mo Sa mga nakasabayan ko Masasabi mong anlayo na nila Napag-iwanan na ako Pero di ako apektado Kasi yun ang choice ko Di naman sa wala akong pangarap Na ayos na ko sa kung anong meron ako ngayon Ayoko lang magmadali Gusto ko ienjoy kung anong meron ako Gusto ko iimprove ang mga hilig at nakakahiligan ko Gaya ng paggawa ng mga kwento English man o Filipino Di man ako kasing-husay ni ano Eh ano naman, di naman contest ito๐Ÿ˜Š Yung pagkuha ko ng mga litrato Na sobrang aking naging paborito Araw-araw yun ang di mawala sa routine ko Dahil nachachallenge ako dito At napapasaya ako Bonus na lang pag may pumuri sa mgq kaibigan at kakilala ko Di lang kasi ako kumikita dito Kundi nabibigyan nya ako ng ibang klaseng fulfillment na di ko nakukuha sa pakikipagchismisan kay mareng ano O di naman kaya ay pagbrowse ng facebook at magcheck kung anong paninda ni ano, anong outfit ni ano at kung bagong kotse si ano Sa totoo lang nabobore ako sa mga ganun Mas gusto ko na lang mag-edit ng pictures O di naman kaya ay mag-draft ng artikulo na kahit nitong mga nakaraan ay madalang ito. Hilig ko din maghalaman Dami ba nga nila, yung iba di ko na alam ang pangalan Kaso di ko na maayos Dahil nag-uulan at ang mga bagets eh gustong makigulo Takot naman ako na baka malamok sila kaya wag na lang muna๐Ÿ˜Š Mahilig din ako sa mga bata Bukod sa aking unica hija Ako din nagtitingin sa pamangkin kong isa Na sa edad nyang dalawa ay sobrang likot talaga Kailngan bantayan ng maigi para iwas disgrasya Madalas ako ang referee, tiga-saway at tiga-turo sa kanila Nakakapagod pero masaya Nakakastress pero magandang stress ba Tanggal naman agad lalo pag may kasama ng lambing mula sa kanila. ...^โ€ขยฐ... Madami tayong hilig Kanya-kanya, iba-iba Ang importante tayo ay masaya Wala tayong sinasaktan o nasasagasaan na iba Kaya kaibigan, explore-explore lang Wag mainggit kaninuman Dahil ang time mo to shine ay paniguradong malapit na yan๐Ÿ˜Š Salamat sa pagbisita! Lead image is mine. #originalcontent

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.