Bakit ako absent?
Bakit nga ba ako absent kahapon? Onting interactions sa noise At walang article sa read cash? Pano ba naman kaibigan Ako ay napakiusapan Ng aking ateng sobra ang kabaitan Ako daw muna sa reception ng Kusina NI Camila Kaya ako ay walang nagawa Kundi tanggapin ng walang alinglangan pa Kahit maya't maya tinatawag ako ng aking unica hija Buti na lang may cellphone na dala At tumahimik muna Andami kasing tao sobra Di namin inasahan na aabot sa higit 300 katao ang aming magiging bisita! Aba eh sikat na talaga itong abang lugar namin ano Isa na syang tourist attraction Iba-ibang lugar mula sa Ilocos Sur Ay napaparito na at nacucurious Maganda naman kasi talaga Kakaiba ang design at ang view ay pambihira
Samahan pa ng masarap na milk tea Na nagiging paborito ni Yuri
Masasarap na pagkain Silog-silog, tusok-tusok at minsan pa ay may lomi Na dinadayo na ng madami
At pagsakay sa atv Lalo pag palubog na ang araw
Nakaka-overwhelm ang feedback Minsan may maganda at meron din namang hindi Syempre bago pa lang kasi At di talaga sya inexpect na mangyayari Nag-umpisa lang sa isang simpleng pagkusa Na coastal clean-up ng magkakaibigan at pamilya Na ang tanging hangad ay maiangat ulit ang aming munting barangay Dahil dati talaga sikat sya Sa magnanakaw at sa droga Tsaka maganda din kasi talaga Ang yamang dagat na dito sa aming bayan ay binigay upang aming alagaan at pagyamanin pa ng lubusan Kaya pag maganda talaga ang intentions mo Bibigyan ka ni Lord ng mga oportunidad at tao Na syang tutulong at aakay sa'yo. Nakakapagod sobra, oo Pero makita mo lang madaming tao Naku, mabubuhay ang katAwan mo Ang pagod ay agad-agad maiibsan Kaya pagpasensyahan nyo na din kung ang tulang kwento ay may kaguluhan Antok na naman kasi ako Nag-duty kasi ulit ako mula alas-tres hanggang 6:30. O sya kaibigan, salamat ulit at ikaw ay napadaan Sana balang araw ay inyo ding mapuntahan Ang aming pinagmamalaking Kusina NI Camila. Maraming salamat po! All images are mine. #originalcontent #randomshot
2 comments
Awwww. Gusto ko yung kapag maganda ang intentions mo, bibigyan ka ni Lord ng oportunidad at tao. Parang itong platform na ito pati ang Kiki at kayong mga nakilala ko. 🥰 more success to Kusina ni Camila. Ang saya 300 na tao. Nakakapagod na ang sarap sa feeling.
> Become a sponsor Get sponsored Thanks sis! Sana nga magtuloy-tuloy para madami din mabigyan ng work gaya ko..hehe